Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
October 22, 2017, 07:06:52 AM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
 
   Home   Help Login Register  
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: TRUST ISSUES - MAHAL BA TALAGA AKO NG GF KO? Help  (Read 1359 times)
Tom Hansen
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 9


« on: July 24, 2017, 05:32:51 PM »


Ok naenganyo ako mag post dito ng sama ng loob since wala ako ibang mapagsabihan, 5 years akong walang GF, this july sinagot ako ng niligawan kong girl. Tuwang tuwa ako, Matagal akong naghanap at di talaga ako maswerte sa pag ibig, kaya nung dumating sya, masaya ako.

Kaso eto ang problem, since bago kame (this july lang) gusto ko ayusin lahat ng mga bagay na pwedeng sumira sa aming dalawa. inopen ko sya na sana i delete na nya lahat ng textmates nya at mga Dating app na ginamit namin before, nung una iniiba nya usapan at parang ayaw nya talaga pag usapan. then after 1 week kino convince ko sya ulit sa dilitan ng mga textmates at Dating apps. Pumayag sya may dinilit ako and iniwan ko lang yung mga friends and family and relatives. kaso may nabasa akong tx na nagha hi at goodmorning sa knya, ang tanong ko sino to? sabe nya kasama sa trabaho, sabe ko bakit ginugoodmorning kapa nyan? sabe nya friendly kase sya (my gf) at di maiwasan na makiclose sa trabaho, atsaka may asawa na yan sabe nya. so napaisip ako pero kalma lang, sabe ko may asawa na sya tapos naggugudmoring pa sya sayo? sabe na lang nya " mahal naman e.." nilambing ako, ako naman nabola, nawala sa isip ko, so binura ko na lang at pinalampas. Nagtanong ako ulit sabe ko sana malapit ka lang sa lugar ko ang hirap ng wala kase kasama pag nagkasakit kapa mag isa lang ako, sabe nya wag ka mag alalala habang andito ka around (my place) aalagaan kita. sabe ko naman paano kung wala nako dito? dimona ako aalagaan? (im expecting na sagot nya, sasama ako sayo, or something na gagawan nya ng paraan para magkalapit kame ulit) kaso sinagot nya walang ka imik imek " Maghiwalay na tayo kasi ayoko ng long distance" . so ako na pa nganga na lang, sa loob loob ko ganon ganon lang yun?? ni hinde man lang mag eeffort? sabe ko sa kanya bakit di ka sumama sa akin,? e may anak daw sya sa province hnd pwede lumayo. natahimik na lang ako..

isa pang pangyayare nung naging kame, ni hnd nya tinanong wat buong pangalan ko o address ko, worried ako kase parang di normal yung ganon, hnd nya rin dinilit mga textmates ko. actually hnd rin nya iddilit ang mga Dating apps ko sana, pinilit ko na lang na idilit sa harapan nya, gsto lang din kase ipakita na seryoso ako sa knya at wala akong itinatago.. ang weird lang sa pakiramdam bakit ganon na parang wala syang pakealam..

Yung sumunod na mga araw, kesyo nagtext daw yung dati nyang ka live in at nanggugulo, sabe ko wag mona kase replyan bkt kase nirereplyan mopa? sabe naman nya "e kase nagmemessage sa ate ko sa fb hayaan mo aayusin ko to" sabe ko wag kana makipagkita o itext yan kaso lalo lang umaasa yan.. after nun work muna sya, then nagtext ulit, nx time daw kesyo magkikita daw sila ulit ng dati nyang kasama sa boarding house, sabe ko madame ba kayo, sabe nya eh hinde , sya lang at yung bf nya, magbabonding lang kame kase matagal kona sya di nakasama. sabe ko sige ok lang basta sa safe an lugar na lang kayo magkita pwede sa mall, san ba kayo magkikita? hintay ako reply aftr 10mins, sabe, hinde ko pa alam eh, sama nga sana kita kaso paiba iba sched ko diba?. sabe ko, ulit san ba kayo magkikita, mga 15mins nagreply, sa pasig, sabe ko bakit doon, eh kase dun sila nakatira, ah ganon ba, kelangan ba talaga dun kayo magkita? after 4hrs nagreply oo kase dun sila nakatira live in.. ah ok sabe ko na lang.

Bakit kaya pakiramdam ko, may mali, parang may tinatago sya na hinde ko talaga malaman kung talagang nakatagpo ako ng batikang cheater na babae.. naguguluhan ako, oo bago palang kame kaso, hinihintay ko talagang iadd nya ako sa fb at banggitin nya fb kaso wla talaga syang binabanggit, hanggang dumating ung time nadulas sya sa fb nya, sabe ko add mo naman ako sa fb, ung facial reaction nya para bang may pag aalangan? inadd ko sya, but until now, hnd ako inaaccept, eh magkano na lang DATA ngyon maadd monako kahit nakahiga ka, pero wala talaga..

masaya ako pagkasama ko sya, pero parang behind sa mga sweet smile nya eh para bang kinukutuban ako na parang may cheating na nagaganap.. ayoko manghusga pero iba pakiramdam ko para akong tulala minsan kung seryoso ba sya o hnd,.. 35 nako and gusto ko na rin in time mag pamilya,, nag woworry ako kase baka magsayang nanaman ako ng taon sa taong hinde pala ako sineseryoso talaga..

Ano ba sa tingin nyo o advice nyo? salamat po sa ano mang payo.  Sad
Logged
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« on: July 24, 2017, 05:32:51 PM »

 Logged
wait4u
Pledgee
**

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 42


« Reply #1 on: July 25, 2017, 05:27:59 PM »


Huwag mong balewalain yung instinct mo. Sana nung niligawan mo sya ikaw na din nagkusa magtanong ng fullname nya. Kaya ka nagdududa dahil sa mga sagot nya hindi ba pwede magtiwala ka muna tutal wala ka pa naman proof na meron nga talaga syang iba. Pero kung hanggang ngayon hindi ka pa inaadd sa fb possible may tinatago sya.
Logged
Tom Hansen
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 9


« Reply #2 on: July 26, 2017, 07:51:30 AM »


@ wait4u

yun nga wala akong proof pero yung mga sinabe ko dito hinde ba kahina hinala? why ka nag eentertain ng text ng katrabaho mo na alam mong may asawa? at umagang umaga mag gugudmorning? hinde ba obvious na may ibang habol sa kanya yung lalake na yun, and why hinde nya ma stop replyan mga nagtetex sa knya? ako nga pinag didilit kona yun txtmate ko pati mga apps. dinilit ko na rin yung sa knya pero ang akin lang bakit rereplyan mopa yung mga ganong text lalo nat lalake may asawa at may bf na sya. BF nyako hello?? hinde ba sya na guilty.. kahapon nga dapat pasok nya 1-10pm imagine bigla daw sya opening 7am tapos 930pm na halos nagreply sa text ko sa knyang 2pm na halos 3 or 4pm out na sya. and nung mga break time nya before nakakatx sya, ngayon tig iisang text lang.  bigla nga sya nagalit kagabe nung sinabe ko na "nasa boarding kanina pang 6pm hnd ko alam kung asan ka wala ka man lang text sana ok ka lang, simula 2012 wala akong gf, ikaw lang, alam mo mahal kita nagtitiwala ako sayo pero sana hinde mo ito sayangin.."

ang reply nya "oo tapos n p q" at "Mag in q mmya" which is ang layo ng sagot. ang sagot nya is yung reply nya sa 2pm na text ko, na para bang pinapalitaw nya na late dumating ung text nya kesyo nawawalan ng signal daw. pero kung titignan mo yung time, eh talagang dun palang talaga nya sinend kagabe. dati naman wala syang nababanggit na nawawalan ng signal eh. then biglang na lang sya nagalit kesyo daw iba iniisip ko na baka nakipagkita daw sya, kung ganon na lang daw kesyo magbreak nalang kame nasstress daw sya, kung ganon daw iniisip ko gagawin na lang daw nya, itex ko nlng daw textmate ko na alam naman niyang binura ko na lahat at nakita pa nya na lahat ng nagtex sa akin nagpaalam nako sabe ko may gf na ko. bigla na lang nya nasabe yung mga ganon?! ako nga ayoko sinasabe yung break, tapos sya napaka dali lang nya sinabe yun sa akin.. syempre mahal ko sya, inlove ako, kaya hayun sabe ko na lang na nagreremind lang naman ako at nagtatanong bakit ka galit? pasensya na sabe ko, sige pahinga kana. tapos sabe nya ok. tapos wala na yun lang.. natulog nako. ngayon wala syang text sa umaga na usually meron naman bago and after pumasok.. and still hinde parin ako inaadd sa fb. hnd kona sinabe yun hinihintay ko lang tlaga, kaso, wala pa din. alam ko naman buong pangalan nya, ang akin lang, sya hinde man lang nag abala tanungin buong pangalan ko.. weird diba?. parang wala lang..

kaya nga tama sinabe mo na wag ko balewalain instinct ko, alam ko naman na parang nasa estimated 40% lang ang love nya sa akin ako mga 89 % ang bigay ko, just to give u an idea kung pano kame.. kaya worried ako, baka nagsasayang nanaman ako ng time sa taong ineeffortan ko.. mabigat pakiramdam ko, parang wala ako gana, sumasakit ulo ko, last time na naramdaman ko ata to is nung niloko din ako ng ex ko mga 2007 pa yun. and napaka malas ko lang talaga parang eto nanaman.. wag naman sana..

nagpost ako dito ng sama ng loob para malaman kung anong tingin ng ibang tao sa situation na to, kung mali bako  sa ginagwa ko, mali bang pagbawalan mo sya itext nya pa o replyan nya pa yung mga nagtetext sa knya,, ni hinde nagtatanong about sa akin, at hnd ako inaadd sa fb? ang weird...
pero salamat po sa payo nyo @ wait4u
Logged
chobibo
Love Adviser
PLF Senior
*****

Charisma Level 64
Offline Offline

Posts: 3271


Est. 1986


« Reply #3 on: July 26, 2017, 12:49:59 PM »


gaano ba kayo katagal magkakilala or magkaibigan before ka niya sinagot?
Logged

tayo'y magpaikot-ikot Smiley
Tom Hansen
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 9


« Reply #4 on: July 26, 2017, 02:38:09 PM »


@ chobibo - 1 month kaming textmate, oo aaminin ko masyado mabilis ang pangyayare, june 15 nanligaw nako, sinagot nya ako july 14. madame kame text noon, pero nung mag on na kame parang feeling ko di sya ready igive up ung mga textmates nya,di nya nga dinidilit ung textmates ko at Dating app, pero dinilit ko parin sa harapan nya, para lang walang masabe. feeling ko sinadya na na wag idelete para if nagka confrontahan eh pwede nya sabihin na hnd nya naman dinilit textmate ko so hnd ko rin dapat idelete ung sa knya, parang ganon ang pakiramdam ko. pero nagdilitan na kame, ewan ko lang pag di nakame magkasama, ewan ko lang kung may katx parin sya, kase nga nakita kona na nirereplyan nya kasama sa trabaho na may asawa na, nag gugoodmorinng pa sa kanya, tapos nirereplyan pa nya.. pati ka live in nya before pinapatulan pa nya replyan kase nanggugulo daw.. ewan ko ba.. feeling ko talo nanaman ako, wala kase ako mapagsabihan kase hinde nako nakakapagtextmate kase nangako ako na sya lang. tapos eto nman ang naeexperience ko, ang bigat ng pakiramdam ko.. nagtext ako kanina 7am , 230pm na ngayon wala pa din syang text,, hinde katulad ng dati.. minsan na lang ako mainlove tapos ganito pa, nakaka badtrip lang.. ewan ko lang kung tatagal pa to, mukhang hinde sya seryoso. iba kase sinasabe nya sa text na seryoso sya magtiwala ako etc etc kaysa sa actions nya.. pwde ka ba naman magtiwala kung ganon nangyayare?.. haist..
Logged
chobibo
Love Adviser
PLF Senior
*****

Charisma Level 64
Offline Offline

Posts: 3271


Est. 1986


« Reply #5 on: July 27, 2017, 10:40:08 PM »


mababaw ang foundation niyo before naging kayo. as you can see, until now you are still in the "getting to know" stage. and these are now the qualities she has na nakikita mo. it doesn't mean na hindi ka na niya mahal. i guess ganun lang talaga siya, mahilig sa textmate LOL. mga ganun, and of course, it is inappropriate to entertain unnecessary people like ex's and stuff that could put your relationship at risk. but then again, baka sadyang ganun lang talaga siya kasi nga nagun mo pa lang siya nakilala.

you know, every relationship goes through these testings. nagsisimula pa lang kayo so this is just normal. take this as an opportunity to work your relationship out, and get to know each other better. dito niyo makikita kung paano niyo harapin together ang mga differences niyo. don't be discouraged right away. instead, look for resolutions and not to be so critical of her. sa lahat ng mga kiniwento mo, were all just speculations based only from your subjective perception ng mga impressions niya to you.

every couple needs to learn to sit down together and communicate. hindi puro text. you have to go deeper in a relationship, face reality at hindi yung superficial lang na chat chat. take this as a learning opportunity for you to grow and for your relationship to grow. this is not about trust issues. this is about how you deal with your differences dahil nagsisimula pa lang kayo.
Logged

tayo'y magpaikot-ikot Smiley
Tom Hansen
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 9


« Reply #6 on: July 28, 2017, 08:45:09 AM »


@ chobibo

yes tama ka mababaw panga pundasyon namin,pero diba , if nasa relationship ka diba hahayaan mo ba gf mo na makipagkwentuhan sa iba lalo nat lalake na may asawa tapos umagang umaga may goodmorning??.. ok lang sana kung mga friends nyang girl, kaso hinde e. syempre magwoworry ka din, and malapit kayo sa tukso if hinahayaan nyo isat isa makipagtextmate pa diba? and madalas nya i brought up ung break na lang kame or maghiwalay nalang kame, agad agad? ako nga kahit asar ako hinde ako umabot sa punto na break agad ang sasabihin ko , sa kanya napaka dali lang,..

kagabe nga pla nag away kame sa text kase nge medyo cold ang mga text ko usually kase tinatanong ko wat ginagawa nya and where sya, pero after kase nung incident na di sya madalas magtx na hnd talaga sya ganon,na pakiramdam ko talaga may ginawa sya, hinde nako nangulit, tig iisang tx na lang at diko na sya tinatanong asan sya at what ginagawa nya, eh bigla nanamang sinabeng kung ganito na lang to bakit pa natin itutuloy to,, sabay ganon.. ako naman sabe ko "eh akala ko ayaw mona ng tinatanong, sinasabe mo sakin wala ako tiwala sayo ngayon di nako nagtatanong, galit ka parin" lalo sya nagalit nung sinabe ko na if ever tinu two time mo ako pls lang sana hiwalayan mo na lang ako at wag mo na lang ako hanapan o gawan ng kwento para lang may dahilan sya makipagbreak. kung sakale lang naman." too make it short nakipagbreak, then ako naman todo persuasion na mali pagkakaintinde nya dun,(pero feeling ko talaga guilty eh, bakit ka magagalit kung wala ka naman ginagawang masama talaga diba) so ako in ending sa haba ng explanation, nakipag ayos din ako, nilamon ko nalang ulit pride ko. nagsorry ako kht alam ko hnd ako gumawa ng pag aawayan, kahit alam kong may kakaibang nangyayare, hanggng ngayon hnd parin ako inaadd sa fb, habang ako reading ready na i announce sa buong mundo na "in a relationship" nako sa kanya. pero sya wala, palagay ko lang may tinatago pa sya. pwede ba naman yung ganon, mag bf pero ayaw pa alam sa friends na ako bf, kahapon nga kasama anak umuwe sa province nila, tinanong ko sino kasama, "kapatid daw" eh nung tinanong kona pangalan, iniskip yung tanong ko patay malisya, so hnd ko na tinanong ulet para walang away. ang hirap ng ganito,. habang ikaw proud na proud ka sabihin sya na gf mo, sya naman hnd.. pero gingawa ko payo nyo na hanapan na lang ng solution (kahit ako lang ang naghahanap) pinipilit ko din yung " sit down together and communicate" na sinabe mo, mahirap lang kase yung time namin at schedule. laguna ako, pasay sya, province nya batangas. so effort talaga para mag meet. kaya puro text lang talaga halos pag hnd kame mag kasama.. pero salamat sa advice, sana lang may patunguhan effort ko , kung ako lang kase gusto ko sya na, ayoko na humanap, pero sya parang naghahanap pa ng iba.. pero try ko pa din.  salamat sa advice chobibo, sige tignan natin yan.
Logged
Tom Hansen
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 9


« Reply #7 on: August 04, 2017, 04:07:47 PM »


WASAK.. ang puso ko, after 1week ng mga pangyayare simula ng huling post ko, away bati ang nangyare , to make it short nagkita kame kahapon, before kame magkita nag agree sya na aayusin nya ang lahat , na "natutunan na daw nya ako mahalin" ako naman dahil gustong gusto ko sya, pumayag nanaman ako para ayusin ang lahat, hoping magbabago sya, so kagabe nagkita kame, nung magkasama kame nagstart na kame magdelitan ng mga textmates nya, kaso hnd pa nagsstart my apat na unregistered # na nagtx at nagsisipag hi, ung isa naka registered name ay jay, nagtx ng " palabas nako " yung iba namang " tuloy ba tayo" grabe dun palang pakiramdam ko gusto ko manapak.. pero kumalma lang ako, ipinapatuloy ko mga delitan, mas nagimbal ata ako nung nabasa ko mga messages dun dahil ang daming ka chat na lalake na kung sino sino na lang ata sa kanto nakilala, ibat ibang places at puro kalaswaan ang pinagsasabe, ang masakit pa nito, nagrereply sya, habang kame na at tinignan ko ang mga date eh ung mga date na yun e kame na at yun yung mga time na yun na hinde sya msyado nakakatext eh ehetot ang dami pa nyang ineentertain.. halimbawa ng mga chat nila e:

"kamusta pwede ko naba makain?" ang sagot nya "ok pag may time". or "busy pako" meron pang " pwde ka ba namin isama sa swimming namin overnight, mag sama ka din ng isa pang game." meron pang "kelan ka uwe batangas? miss na kita" "dadaanan ka ba dito? "  ang sagot ng gf ko "sige pag uwi ko." almost lahat ata ng part ng metro manila meron syang kinikita everytime na may pagkakataon kahit hanggng pag uwi nya sa batangas, WASAK na WASAK puso ko at badtrip na badtrip ako, Wala talaga sa itsura nya na ganon mga gawain nya, ewan ko bat ano tong napasok ko at nanghihina ako sa mga nabasa ko, nagsorry sya ng nagsorry kagabe, ako naman dahil gsto ko sya ang ending pinatawad ko,magbabago na daw sya, pero grabe sa dame ng mga yun, hnd kona alam kung hanggang saan ako kakapit sa relasyon na to, oo alam ko napaka desperado ko at kumapit at nagtiwala padin ako sa knya.. kaso ang hirap talaga hnd ko talaga alam ang gagawin ko, na dedepressed ako wala ako mapagsabihan, dahil hnd naman ako yung tipong mabarkada at madaming mapagsasabihan, dito ko na halos binubuhos.. hangng ngayon tinutupad ko parin pagiging honest ko sa kanya na wala ako ineentertain na babae o textmate at hnd nako gumagamit ng mga date apps, sumasakit ulo ko nasusuka ako wala ako gana,, bakit naranasan ko nanaman to.. gusto ko ng wakasan pero ang hirap... litong lito nako ano ba tong napasok ko..  Cry  Cry
Logged
lianaac
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 16


« Reply #8 on: October 07, 2017, 01:15:05 PM »


maybe she's testing the waters kuya.

Wag mo sabihing malas ka po sa lovelife. kasi di naman nature ang nagdidikta sa kapalaran ng love life natin.

More than love, trust ang isa sa foundation ng masaya at matibay na relationship.

Kung me pangamba ka po sa gf mo, timbangin mo po ang facts at emosyon. Hindi pwedeng puro emosyon po. hindi rin namang puro facts. Dapat mga 80% facts, 20% emotion.

Kung gusto mo po maging successful sa  relationship mo, dapat mutual ang commitment niyo.

Logged
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
   

 Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Privacy Policy: Privacy Policy Email: pinoyloveforum@yahoo.com

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.18 | SMF © 2013, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!