Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
November 23, 2017, 11:46:32 AM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
 
   Home   Help Login Register  
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: SALAMAT PO SA MGA TUTULONG... KAILANGAN KO PO NG MAS MARAMING OPINYON.  (Read 2399 times)
MaidenLove
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 9


« on: April 11, 2017, 09:30:38 AM »


I am currently in a relationship with a guy in his 30's. We met online and the start was crazy.

Background Nya: May anak, may dating ka live-in na ngayon wala na.

Sa simula, sobrang ang daming plano, ang daming gustong gawin. Travel, outing, moving in pa. May usapan pa kung papano ipag papa-alam sa ina ko.

Lagi ko tanong sa kanya ang pagiging seryoso nya sa relationship namin, pagiging sincere nya, at if long term ba ito? Syempre sasabihin "Oo naman". Ako si nagmahal (nagpakatanga), naniniwala naman.

Sa FB, posted na "In a Relationship" kami. Na meet ko na ibang officemates. Alam na sa work na ako GF nya. May kung anong mga posts na kami, etc. Pumupunta talaga dito sa bahay. Dito ko pa pinapatulog kasi nga malayo sa kanina.

Fast forward to 2 months after, nagbago ihip ng hangin. (So obviously nauto ako diba?). Biglang kambyo sa moving in. Biglang kambyo sa travels. Biglang kambyo. Syempre mag iinarte ako. Mang aaway. Ayun kadalasan nababaliktad ang istorya, ako na bigla may kasalanan at ako na ang biglang mag sosorry. Saklap diba?

Maraming beses nakikipaghiwalay siya dahil hindi ko daw siya maintindihan, dahil praning daw ako… dahil sobrang minahal ko, napaisip ako nga baka nga naman praning lang ako. Kaya, binababa ko na pride ko. Lagi ako nakikipagbalikan. Pumapayag naman siyang makipagbalikan.

5 months na kami, puro frustrations and disappointments.
 
Sa pag daan ng 5 months na yun, ang dami ko natuklasan….

Ang sabi nya, mahigit isang taon na silang hiwalay nung live-in partner nya. Dahil mabutingting ako, nalaman ko na wala pa palang one year nung sila ay magkahiwalay nung dating ka live in nya. Months palang! Sabi niya, ako daw ang unang GF nya since yung live-in partner nya.

At dahil mabutingting ako, nalaman ko rin na may na syota pala siya bago naging kami. Para mas malinaw, i-chrochronological order ko:

November – Nagkahiwalay sila ng Live in partner nya
December – Nagkaroon ito ng “girlfriend”
February    – naguusap na kami. Biruan na “babe”. Pero kahit na. Sabi
                   nya kasi single siya.

February 30 – official silang naghiwalay, dinaan nya sa away, nakita
                     ko yung messages sa messenger

March 12 – naging kami.


NOTE: At dahil nga mabutingting ako, may nakita din akong isang babae sa messenger nya na laging tumatawag. Hinayaan ko lang. Next na nakita ko, naka block na yung babae.



At dahil mautak din talaga ako, nakuha ko kung kelan ang first monthsarry nila.... Sobrang awa ako sa girl kasi three days after, nag-unfollow na yung BF ko sa FB nung girl. Halimbawa:

October 1 - "Happy monthsary, babe... I Love you babe" na nagaganap sa usapan

October 4 -  nakita ko sa Activity Log na inunfollow na ni BF si girl…

Nakapasok ako sa FB Wall ni girl at kumirot dibdib ko sa mga nabasa ko. Napaniwala talaga siya na mahal siya ng BF ko. But sa background, ang daming kalokohan ng BF ko. How can a man do this to a girl?

Ngayon naman, ito na ang nangyayari sa amin…

One time tumawag ako at hindi ko siya mahagilap sa FB, sa phone ako tumawag. Busy tone una, then "subscriber cannot be reached"... Tawag uli ako, nagpapalit-palitan lang sa "subscriber cannot be reached" and busy tone. Malaking away yun kasi sinumbatan ko talga siya. Ewan ko bakit napalusot ko pa. Ang sakit daw ng mga paratang ko. Hiniwalayan ako, ako naman si tanga, habol na naman. So ok na naman kami.

Ngayon, humihirit na, na kesyo may problema ang charging ng phone. Hindi na daw na charge ng mabilis. Tapos kagabi, ubos na daw data. Pero tinawagan ko parin siya sa phone. Wala siyang kawala, nagusap talaga kami. Sabi ko sa sarili ko eto naaaa, eto naaaa, eto naaaa, haaa, haaa... dubidoo bidoo bidoo bidoo…


Background ko: 10 years na hindi nagsyota from my ex-husband.
Nakilala ko itong magaling na lalaking ito at ewan bakit nauto ako.
Hindi ko alam kung dapat na ba akong ma-alarma sa mga pangyayari.

Dahil nagmamahal ako, syempre "tanga mode" ako at ang mga ilan ay tanong ko:

1. Yung past na yun ba dapat ako ma apektuhan?
2. Dapat ko na bang pagdudahan itong mga "lowbat", "walang data" at "hindi na nagchacharge ng maayos ang CP" na pangyayaring ito?
3. Sa mga details na binigay ko, may panghuhugutan ba ako na seryoso sya sa akin?
4. Kapag ba nag dadate sa panahon ngayon, papano ba ang gastos? Hati-an? or ang guy?
5. Ano na? Abandon ship na ba?
6. Papano ko ba sya ipadala sa Basilan?
7. Anong nararamdaman nyo kung lagi kayo pinagdududahan ng GF nyo at inaaccuse?

Naway mabigyan po ninyo ng linaw ang liham ko na ito.

Maraming salamat at nagmamahal,

MaidenLove

Ps. Kung may tanong, tanong lang po.
Logged
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« on: April 11, 2017, 09:30:38 AM »

 Logged
wait4u
Pledgee
**

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 45


« Reply #1 on: April 11, 2017, 05:43:38 PM »


1. Wag mong gawing big deal ang past kasi kahit magselos ka pa naging parte na kc ung ng buhay nya before ka pa ngexist sa buhay nya.
2. Pakiramdaman mo ng mabuti kung totoo ba talaga ang dahilan nya o nagdadahilan sya , kasi minsan kasi praning lang talaga ang mga babae at madalas tama ang hinala natin. Cheesy
3. Ikaw lang makakasagot nyan kung seryoso sya o hindi kasi mas kilala mo sya. Pag may nababago na sa pagbibigay nya ng time sayo pakonti ng pakonti na lang baka meron kahati sa oras nya. Mas okay kung kausapin mo sya ng maayos makikita mo naman yan pag nakikipag eye to eye contact sya sayo kung sincere sya o hindi.
4. Mas maganda pag half sa gastos para hindi kayo magsumbatan pagdating ng panahon o pag malapit na maghiwalay. o pwede din alternate , ngayon sya gagastos next date ikaw.
5. Depende yan sayo , Kung sa tingin mo un ang tama kaw makakadecide.
6. Makiusap ka ke Pres. Duterte tulungan ka sa hiling mo haha.
7. Nakakabwisit . Nakakairita .

Huwag puro PUSO , hindi masama gamitin ung utak. Uso na din maging practical sa panahon ngayon. Di tayo nagmahal para lang hayaan natin saktan tayo ng mahal natin lagi, nagmahal tayo kasi gusto natin maging masaya at maramdaman na may nagmamahal din sa atin sa lahat ng flaws at imperfections natin.
Logged
MaidenLove
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 9


« Reply #2 on: April 12, 2017, 11:15:52 AM »


MARAMING SALAMAT KAIBIGAN...

May karagdagan lamang akong tanong at klaripikasyon.

1. Wag mong gawing big deal ang past kasi kahit magselos ka pa naging parte na kc ung ng buhay nya before ka pa ngexist sa buhay nya.


- hindi po selos ang aking nararamdaman kundi awa sa babae at pagkamuhi sa BF ko. Papano nya magagawang paikutin ang isang babae ng basta na lamang. Pinaniwala nya ito sa napakaraming kasinungaliangan. Gabi-gabi sila kung mag-usap nuon habang magkausap din kami.


Papano kung sa gabi-gabi naming paguusap ay may kinakausap rin siyang iba?


2. Pakiramdaman mo ng mabuti kung totoo ba talaga ang dahilan nya o nagdadahilan sya , kasi minsan kasi praning lang talaga ang mga babae at madalas tama ang hinala natin. Cheesy

- Praning ako, totoo. Paniwalang-paniwala ako na nagloloko siya. Pero sa isang malaking away namin, sinumbatan ko siya at sinigawan na para bang wala nang bukas. Nawitness ko kung pano siya nag breakdown. Nag iyakan kami. Nalilito ako kung dapat ko ba siyang hanapan ng talent manager dahil maaari siyang makatanggap ng Award for Best Actor sa narinig ko...

3. Ikaw lang makakasagot nyan kung seryoso sya o hindi kasi mas kilala mo sya. Pag may nababago na sa pagbibigay nya ng time sayo pakonti ng pakonti na lang baka meron kahati sa oras nya. Mas okay kung kausapin mo sya ng maayos makikita mo naman yan pag nakikipag eye to eye contact sya sayo kung sincere sya o hindi.

- Lagi ko naman po siyang kinakausap sa phone tungkol dyan at minsan mga usapang ganyan din pag mag kasama kami. Eye to eye, oo. Nakaktingin siya ng derecho at nauuwi sa alam mo nyo na....   Dahil dyan, baka humanap na nga ako ng talent manager...


4. Mas maganda pag half sa gastos para hindi kayo magsumbatan pagdating ng panahon o pag malapit na maghiwalay. o pwede din alternate , ngayon sya gagastos next date ikaw.

- Sang ayon naman ako dito. Gusto ko lang malaman kung ito ba ay normal na sa panahon ngayon. Sa kapanahunan ko lalaki ang gumagastos at dahil maganda ako, naranasan ko ang papano suyuin gamit ang pera. Sa ngayon, dahil matanda na ako at hindi na masyadong kagandahan, ok na sa akin ang gumastos din...

5. Depende yan sayo , Kung sa tingin mo un ang tama kaw makakadecide.

- Hindi ko alam dahil tanga mode ako. Nangingibabaw ang aking pagmamahal.

6. Makiusap ka ke Pres. Duterte tulungan ka sa hiling mo haha.


- Sige, pero busy pa yata siya. Kailangan daw ng appointment. Baka matagalan nga lang. Ano kaya ibang alternative? Tokhang kaya?


7. Nakakabwisit . Nakakairita .

- Lagi ko itong nagagawa sa kanya. Sapat na ba yun para mag decide siya na hiwalayan ako? Lagi nya nasasabi "para lang tayo naglolokohan kung hindi mo ako mapagkakatiwalaan"; "nagkakasakitan lang tayo"; "wala tayong patutunguhan kung hindi mo ako mapagkakatiwalaan" ... In fairness, scriptwriter din si Kuya...

Huwag puro PUSO , hindi masama gamitin ung utak. Uso na din maging practical sa panahon ngayon. Di tayo nagmahal para lang hayaan natin saktan tayo ng mahal natin lagi, nagmahal tayo kasi gusto natin maging masaya at maramdaman na may nagmamahal din sa atin sa lahat ng flaws at imperfections natin.


Salamat sa payo mo... May ma rereto ka ba?...


Logged
lifebuddy
Newbie
*

Charisma Level 1
Offline Offline

Posts: 16


« Reply #3 on: April 12, 2017, 11:53:05 AM »


Hi Maidenlove,

Simple lang, simplify life. Do not complicate. Eto mga sagot ko sa tanong mo.
1. Yung past na yun ba dapat ako ma apektuhan? (Kahit di ka dapat maapektuhan kasi nga past na yun. But the fact na di pa sya nagbabago at patuloy pa syang nabubuhay sa past nya, it will continue to affect you sa ayaw mo man o sa gusto.)
2. Dapat ko na bang pagdudahan itong mga "lowbat", "walang data" at "hindi na nagchacharge ng maayos ang CP" na pangyayaring ito? (Di dapat magduda. Pero your relationship with that guy is based on lies. Ang foundation ng relationship nyo ay mabuay. Anytime pwede gumuho kasi nga walang honesty. Ang honesty comes from true love.)
3. Sa mga details na binigay ko, may panghuhugutan ba ako na seryoso sya sa akin? (Di sya seryoso. You are one of his collections. Masakit man pero yan ang nakikita ko.)
4. Kapag ba nag dadate sa panahon ngayon, papano ba ang gastos? Hati-an? or ang guy? (Give and take. Kung sino ang may pera, sya taya. Pero di naman maganda na laging isa na lang ang taya.)
5. Ano na? Abandon ship na ba? (Kalas ka na dyan. Abandon ship. You deserve someone BETTER.)
6. Papano ko ba sya ipadala sa Basilan? (Hahaha. Bilhan mo ng ticket)
7. Anong nararamdaman nyo kung lagi kayo pinagdududahan ng GF nyo at inaaccuse? (Kung may pagdududa, it is because di katiwatiwala ang mga aksyon ko.)

Hope it helps.

Your life buddy.
Logged
MaidenLove
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 9


« Reply #4 on: April 12, 2017, 12:08:59 PM »


Ramdam ko ang inyong sinseredad... Ngunit may isa lamang akong tanong... Ano po yung "mabuay"?
Logged
lifebuddy
Newbie
*

Charisma Level 1
Offline Offline

Posts: 16


« Reply #5 on: April 12, 2017, 12:53:23 PM »


Ohhh sorry, mabuay is not stable. Weak foundation.
Logged
MaidenLove
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 9


« Reply #6 on: April 12, 2017, 01:12:01 PM »


Ok, Noted.

Haaaaay... Dami nyo na nagsasabing hiwalayan ko na....
Logged
lifebuddy
Newbie
*

Charisma Level 1
Offline Offline

Posts: 16


« Reply #7 on: April 12, 2017, 02:34:46 PM »


You should. It's not love. You should love yourself first so you can love others too. If you continue being with him, you will lose respect with yourself. Pag di ka humiwalay, para kang nakasakay sa tren na dadalhin ka kung saan magpunta yung tren. The solution, get off the train.
Logged
MaidenLove
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 9


« Reply #8 on: April 12, 2017, 02:51:04 PM »


eeeerrrr.. Koya, mukhang hindi nyo po yata masyadong naintindihan yung liham ko Cheesy
Logged
wait4u
Pledgee
**

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 45


« Reply #9 on: April 15, 2017, 09:49:40 AM »


1. sa issue na yan bf mo na lang makakasagot , naging mahina sya sa tukso naging mahina sya bilang bf mo.
2. nakakapagod pag ang partner mo nagger , sa una kaya ka pa intindihin pero tao lang sya marunong mapagod. Minsan di sapat ang pagmamahal para ikaw lang parati nyang iintindihin.
3. eh pumapayag ka din kasi, yaan mo na pareho nyo naman siguro gusto un Cheesy
4. wala sa katandaan yan o sino ang bata. iwas sumbat half sana sa bayaran
5. Nagiging tanga ang tao sa sobrang pagmamahal o di kaya pag takot ka na baka di ka na makakahanap ng magmamahal sayo o wala ng papatol sayo . kasi sa panahon naun mahirap na talaga makahanap
6. pwede din magpatulong ka sa pulis ipatokhang sya
7. totoo naman para saan pa pakikipag relasyon kung wala ng tiwala mas mainam kung maghiwalay na lang, kasi kung tatanggapin mo sya at hindi mo kaya patawarin ung kasalanan ginawa nya sau dati para san ba para ipagpatuloy?!
6.
Logged
salome
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 2


« Reply #10 on: July 16, 2017, 01:16:40 AM »


Hello po,
   Sa akin lang ah pangkalahatang sagot para sa pangkalahatang tanong mo po:

 Natural lang naman satin ang maghalongkat lalot may napapansin na tayong something ..and always trust your instinct po..at 1thing is that kung ikaw ay nasaktan kana dati so matuto na po mag.tira ng 1% na pag.mamahal para sa sarili mo...para may cover up ka po....komprontahin ang jowa at tignan maigi sa mata ...at sabihin ang totoong nararamdaman...kc kahit likas na playboy pa yan  makakaramdam parin yan...and lastly kung mahal ka nya d ka nya bibigyan ng mga tanong sa isip mo at pagdududa ...kasi king mahal ka nya d ka nya sasaktan ,d maghahanap ng iba at dapat alam nya kung gaano ka kahalaga..
Logged
lianaac
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 16


« Reply #11 on: October 05, 2017, 10:18:36 PM »


1. Yung past na yun ba dapat ako ma apektuhan?

kahit namna po ayaw mong maapektuhan, maapektuhan ka talaga kahit konti, nasa sayo napo yun kung pano mo kokontrahin ang iyong pag-iisip. pero wag din engot, dapat marunong tumimbang, at ang timbangan dapat based on facts.

2. Dapat ko na bang pagdudahan itong mga "lowbat", "walang data" at "hindi na nagchacharge ng maayos ang CP" na pangyayaring ito?

siguro po.

3. Sa mga details na binigay ko, may panghuhugutan ba ako na seryoso sya sa akin?

wala. kasi di niya nga sineryoso una nyang ka live-in eh. hindi pwedeng testing the waters, dapat committed siya, for better or worse, kahit bf gf palang. maybe he's looking for a better woman, pero sa kwento mo he seems irresponsible, and unwilling to commit.

4. Kapag ba nag dadate sa panahon ngayon, papano ba ang gastos? Hati-an? or ang guy?

kung nanliligaw palang, as for me, dapat si guy. kapag kayo na at may arrangement, dapat pinag-uusapan, hindi pakiramdaman.

5. Ano na? Abandon ship na ba?

pag nag-abandon ship kapo, huwag kang magsisisi, at huwag ka ng babalik. dapat buo loob mo. kasi kung hindi buo loob mo, matatalo ka ng emosyon mo.

6. Papano ko ba sya ipadala sa Basilan?

kailangan ba noon. tame your heart. heart is deceptive. mapanlinlang. know who to trust, wag give in agad, baka mapahamak. learn from the past, and from other people's experience.

7. Anong nararamdaman nyo kung lagi kayo pinagdududahan ng GF nyo at inaaccuse?

walang tiwala. pero hindi naman kasi reason na pagkatiwalaan ang salita lalo na at di nyo naman kilala nag isat isa ng matagal. ang trust pinaghihirapan, hindi agad binibigay. kaya nga nanliligaw si guy para patunayang mapagkakatiwalaan siya ng puso
Logged
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
   

 Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Privacy Policy: Privacy Policy Email: pinoyloveforum@yahoo.com

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.18 | SMF © 2013, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!