Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
November 22, 2017, 09:50:15 AM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
 
   Home   Help Login Register  
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: gusto ko lang maglabas ng sama ng loob...  (Read 2165 times)
loyalhusband
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 2


« on: April 10, 2017, 12:59:48 PM »


Sa loob ng sampung taon namin ng asawa ko hindi siya nagwowork. Nagumpisa yung problema nung nilipat ako ng amo ko sa position na mas mababa ang sahod pero permanent namn. Pumayag ako kc contractual lang ako at pang long term ang iniisip ko. Kaso untiunti kaming nagkautang, palaki nang palaki dahil kulang na yung sahod ko. Medyo desperate na kaya naisip namin na magtrabaho na rin siya pra makatulong. Eto na, 2 weeks pa lang siya sa trabaho may manliligaw na. Kinukulit sya kht alam na may asawa na siya. Hindi ako nathreaten kc tiwala ako. First kc namin ang isatisa and for ten years hindi kami nagkaroon ng trust issue.


Kahapon sunday may inuman silang magkakatrabaho. Pinayagan ko kasi marami nman dw sila ska kasama niya bestfriend nya. Yun pala, siya, si bestfriend ska yung lalaki lang. Nung paguwi niya inamin niya lahat sakin, lasing, umiiyak. Gusto daw kc nung lalaki na paunahin na umuwi si bestfriend at hindi siya pumayag, sabay sila umuwi ng bestfriend niya. Tapos nagalit daw yung lalaki s kanya at hindi na daw sinasagot yung calls and txt niya. Umiyak sakin kasi akala dw nya seryoso yun daw pala sex lang gusto sa kanya. Na muntik na daw niya ipagpalit yung 10years namin sa 3weeks lang na kakilala. Panay ang sorry nya pero P*******A!!!! ANO YUN?!


Inamin nya lahat n naguusap sila sa phone ska txt. Na naguguluhan dw siya nung time na yun pero inentertain niya pa rin eh. Sabi niya mahal niya pa rin ako, nagkamali lang dw talaga siya. Di ko alam kung ano gagawin ko. Kung ano iisipin ko. Ngayon magkikita sila kasi magkatrabaho sila. Sabi niya malayo work area nila ska the whole time daw sa txt at calls lang dw sila nagkakausap ng matagal. Hindi dw cla naguusap sa trabaho kc mahiyain ang asawa ko sa txt ska sa calls lang malakas loob nun. Di dw alam s work n magkatxt silang dalawa. Bago kami pumasok kaninang umaga binigay nya phone nya sakin pra dw hindi ako magalala. Pero gulong gulo ako. Hindi na ba siya masaya sakin? Parang gusto ko makipaghiwalay masamang masama loob ko. Tahimik lang ako kagabi nagtatanong ng detalye... ano b nangyari... habang inaamin nya lahat, umiiyak... hanggang makatulog sya. Ngayong umaga... ewan.

Habang tinatype ko to nakapagdecide na ko. Aabangan namin tong taran****** lalaki na to.
Logged
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« on: April 10, 2017, 12:59:48 PM »

 Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Privacy Policy: Privacy Policy Email: pinoyloveforum@yahoo.com

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.18 | SMF © 2013, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!