Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
November 21, 2017, 12:32:46 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
 
   Home   Help Login Register  
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: THIS STORY IS ALL F*** UP  (Read 3140 times)
MaidenLove
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 9


« on: April 10, 2017, 09:25:03 AM »


I am currently in a relationship with a guy in his 30's. We met online and the start was crazy. Background Nya: May anak, may dating ka live-in na ngayon wala na.

Sobrang ang daming plano, ang daming gustong gawin. Travel, outing, moving in. Lagi ko tanong sa kanya ang pagiging seryoso nya, pagiging sincere nya at pagiging long term ba ito? Syempre sasabihin "Oo naman"

Sa FB, posted na "In a Relationship" kami. Na meet ko na ibang officemates. Alam na sa work na ako GF nya. May kung anong mga posts na kami, etc. Pumupunta talaga dito sa bahay. Dito ko pa pinapatulog kasi nga malayo sa kanina.

Fast forward to 2 months after, nagbago ihip ng hangin. (So obviously nauto ako diba?). 5 months na kami, puro frustrations and disappointments. Away kami ng away, nakikipaghiwalay siya, at dahil sobrang minahal ko, habol ako ng habol. Pumapayag naman siyang makipagbalikan.

Biglang kambyo sa moving in. Biglang kambyo sa travels. Biglang kambyo. Syempre mag iinarte ako. Mang aaway. Ayun kadalasan nababaliktad ang istorya, ako na bigla may kasalanan at ako na ang biglang mag sosorry. Saklap diba?

Eto pa....ang sabi nya, mahigit isang taon na silang hiwalay nung live-in partner nya. Dahil mabutingting ako, nalaman ko na wala pa palang one year nung sila ay magkahiwalay nung dating ka live in nya. February naging kami. December sila nagkahiwalay.

Sabi niya, ako daw ang unang GF nya since yung live-in partner nya. At dahil mabutingting ako, nalaman ko na may na syota pala siya bago naging kami at nung January lang sila nagkahiwalay. Nung January na yun, naguusap na kami. Kalahati ng buwan ng January, "babe" na tawagan namin. January 30 sila officially nagkahiwalay

At dahil mautak talaga ako, nakuha ko kung kelan ang first anniversary nila.... Sobrang awa ako sa girl kasi three days after, nag-unfollow na yung BF ko sa FB nung girl. Halimbawa, October 1 anniversary nila, may kung anong "Happy Anniversary, babe... I Love you babe" na naganap, October 4, nag unfollow na si BF. Papano ko nalaman? Activity Log sa CP ni BF. Nakita ko FB ni girl, sobrang paniwala siya na all the while, seryosong relationship na sila... Kumirot dibdib ko sa mga nabasa ko. How can a man do this to a girl?

Ngayon naman, ito na ang nangyayari sa amin.

One time tumawag ako at hindi ko siya mahagilap sa FB, sa phone ako tumawag. Busy tone una, then "subscriber cannot be reached"... Tawag uli ako, nagpapalit-palitan lang sa "subscriber cannot be reached" and busy tone. Malaking away yun kasi sinumbatan ko talga siya. Ewan ko bakit napalusot ko pa. Ang sakit daw ng mga paratang ko. Hiniwalayan ako, ako naman si tanga, habol na naman. So ok na naman kami.

Ngayon, humihirit na, na kesyo may problema ang charging ng phone. Hindi na daw na charge ng mabilis. Tapos kagabi, ubos na daw data. Pero tinawagan ko parin siya sa phone. Eto naaa...


Background ko: 10 years na hindi nagsyota from my ex-husband. Nakilala ko itong magaling na ito. Hindi ko alam kung dapat na ba akong ma-alarma sa mga pangyayari.

Dahil nagmamahal ako, syempre "tanga mode" ako at ang mga ilan ay tanong ko:

1. Yung past na yun ba dapat ako ma apektuhan?
2. Dapat ko na bang pagdudahan itong mga "lowbat", "walang data" at "hindi na nagchacharge ng maayos ang CP" na pangyayaring ito?
3. Sa mga details na binigay ko, may panghuhugutan ba ako na seryoso sya sa akin?
4. Kapag ba nag dadate sa panahon ngayon, papano ba ang gastos? Hati-an? or ang guy?
5. Ano na? Abandon ship na ba?

Naway mabigyan po ninyo ng linaw ang liham ko na ito.

Maraming salamat at nagmamahal,

MaidenLove

Ps. Kung may tanong, tanong lang po.







Logged
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« on: April 10, 2017, 09:25:03 AM »

 Logged
rokymatubay
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 13


« Reply #1 on: May 29, 2017, 10:34:34 PM »


1. Yung past na yun ba dapat ako ma apektuhan?
2. Dapat ko na bang pagdudahan itong mga "lowbat", "walang data" at "hindi na nagchacharge ng maayos ang CP" na pangyayaring ito?
3. Sa mga details na binigay ko, may panghuhugutan ba ako na seryoso sya sa akin?
4. Kapag ba nag dadate sa panahon ngayon, papano ba ang gastos? Hati-an? or ang guy?
5. Ano na? Abandon ship na ba?

Abandon ship na teh. Simpleng pamumuhay. Ma aalta presyon ka lang jan hahaha
Logged
♥ tOXiC ♥
Love Adviser
PLF Senior
*****

Charisma Level 69
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 4481


love me or hate me ...


« Reply #2 on: May 30, 2017, 09:56:35 AM »


Hmm pwede sumagot Huh Abandonship na din ako kung ganyan sitwasyon teh, sa kwento mo puro ikaw naghahabol, natry mo ba na sya naman ang tumanggap ng pagkakamali nya at nang amo sayo Roll Eyes

try mo lang iwan sya kung mahal ka nyan babalik sya sayo kung hindi alam na this! tama na lang Roll Eyes
Logged

if you dont correct them if they upset you, they will never learn to treat you with respect <3
nyerp
Newbie
*

Charisma Level -1
Offline Offline

Posts: 2


« Reply #3 on: May 30, 2017, 09:47:26 PM »


mabubutis ko ba ang girlfriend ko kahit nag grind lang sya sakin at nilabasan ako?
Logged
Habern
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 15


« Reply #4 on: August 27, 2017, 02:50:04 AM »


mabubutis ko ba ang girlfriend ko kahit nag grind lang sya sakin at nilabasan ako?


Yes! Hahaha
Logged
simpleman
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 5


« Reply #5 on: August 29, 2017, 03:13:00 PM »


Sa mga tanong na yan ay ito lang masasagot ko,

1. Yung past na yun ba dapat ako ma apektuhan?

Answer: Sa past nya ay hindi ka dapat maapektuhan kasi tapos na yun and leave the past behind pwera na lang kung may nangyayari pa sa ngayon na hindi mo alam.

2. Dapat ko na bang pagdudahan itong mga "lowbat", "walang data" at "hindi na nagchacharge ng maayos ang CP" na pangyayaring ito?

Answer: Dapat mo lang pagdudahan ang mga yan, depende kung ikaw mismo ang magtest ng CP na yun. Kasi masyadong mababaw na dahilan yun para maging alibi sya.

3. Sa mga details na binigay ko, may panghuhugutan ba ako na seryoso sya sa akin?

Answer: Sa mga details na yan talagang may paghuhugutan ka. Isa lang ang sagot dyan, hindi sya seryoso sa yo. Ibig sabihin taken for granted ka kasi ikaw ang naghahabol.

4. Kapag ba nag dadate sa panahon ngayon, papano ba ang gastos? Hati-an? or ang guy?

Answer: Kapag nagde-date ngayon depende sa arrangements. Kung bf mo palang dapat sya ang gumastos pero kung wala naman syang pera at work siguro maintindihan mo din kung bakit kailangan maging hati ang gastos. Don't wori kasi babawi naman yan kung sakaling magkapera sya at seryoso sa yo.

5. Ano na? Abandon ship na ba?

Answer: Kung ako nasa katayuan mo dapat abandonship na pero dapat paliwanag mo ng maayos para naman hindi kayo magkasamaan ng loob. Mahirap ang sitwasyon mo ngayon kasi nangingibaw sa yo ang puso at natatalo ang isip kaya madalas ikaw ang nagpaparaya. Sa huli ikaw din ang talo kapag tuluyan ka na nyang iniwan.

Goodluck..
Logged
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
   

 Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Privacy Policy: Privacy Policy Email: pinoyloveforum@yahoo.com

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.18 | SMF © 2013, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!