Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
April 26, 2017, 11:31:58 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
 
   Home   Help Login Register  
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: self introduction  (Read 2528 times)
Jemoiden
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 3


« on: June 28, 2016, 04:29:33 PM »


hi sa lahat.

ako nga pala si MAE, 23 years old. at nakatira sa California.

pero laking Pinas ako.

nandito ako ngayon sa forum site na ito dahil may pinagdadaanan ako sa LDR.

hindi ko alam kung kami pa ba o hindi na.

sana mabigyan nyo ako ng linaw sa magulo kong isip.



ito pala suliranin ko:


mahigit 4 years na kami ng karelasyon ko na nasa Pinas ngayon.
sa 4 na taon na yan ay 2 years na kaming engage.

yung ka relasyon ko, sya yung taong mas mahalaga pa ang pride kesa sa taong nag mamahal sa kanya. sya yung taong magaling manlambing sa salita pero wala sa gawa. sya yung taong hihintayin ka lang na malingat para gumawa ng kamalian, at sya yung taong hindi marunong mag sorry at isisisi pa sa yo yung mali na nagawa nya. sya yung taong iiwanan ka sa ere at mag wo walk out kung feel nya at papahintayin ka nya ng matagal saka pa sya mag titext na hindi na sya babalik. sya yung taong hindi ka hahabolin. sya yung taong okay lang na hindi mag text o d kaya magparamdam yung taong nag mamahal sa kanya ng ilang linggo, buwan o taon. at sya yung taong mahilig mag bitaw ng pangako pero hindi tinutupad. pero sa lahat ng yan, pinili ko paring mag stay at mas mahalin pa sya.

March last year, nung bumalik ako dito sa US. akala ko mas magiging matibay kami. akala ko mamimiss nya ko. dahil nasa malayo nako. akala ko mag i effort syang mag text, makipag viber, chat, video call, skype. akala ko mag a update sya sa kin sa mga ginagawa nya, saan sya, sinu kasama nya, okay lang ba sya, kumain na ba sya. pero ayun wala. pero sa halip inintidi ko sya. gumagastos ako ng magkano sa load ko para lang maitext sya, matawagan sya. natutulog ako ng alas 6 na sa umaga para mahabol ko yung oras nya sa pinas. pero sa tuwing nag titext ako sa kanya o nag a imessage, seen lang lage, binabaliwala. pag tinatawagan ko, hindi sinasagot, pag sinasagot naman mga ilang beses pa bago sagutin, tapos pag naiirita na sya sa kin, hinahung upan nya ako at pinapatayan ng phone. o d kaya nirarason sa kin kung bakit hindi nya nasagot kasi daw busy sya, o hindi kaya nakatulog. tapos pag naman nag titext o nag cha chat kami minsan, mga ilang maikling reply lang sya tapos ayun wala agad sya. tapos mga ilang oras lilitaw ulit. then after 3 o 5 reply ayun wala na naman. tapos biglang mag mi message ulit mga ilang oras after at sasabihing nakatulog daw sya. pag naman humihingi ako ng oras sa kanya kahit isang oras lang, ayun ako pa pinapagalitan. ako pa yung nabubulyawan. ako pa yung nasasabihan na selfish daw ako at nagkukwenta ng effort. pero sa lahat ng yan hindi ako nag give up. hanggang sa hindi na sya nagparamdam. hinabol ko sya. minessage sa lahat ng alam kong social media account nya. wala akong napala. at sa halip may nakitang mga dapat hindi ko makita at nalaman. kaya nakapag decide ako na buksan account nya (though hindi ko talaga ugaling nag i invade ng privacy). ayun nakita kong may nakakausap syang ibang babae. at dinenay ako na girlfriend nya ako at nag message sya sa ex nya. at marami pang iba. kaya ginawa ko nag screen shot ako. at sinend sa kanya sa viber. and ask him nicely and i did not expect from him na mag rireply sya. pero ayun nag reply sya, dininay nya lahat yun. at naghahanap lang daw ako ng away.. at ng gulo. kaya i let it go. but i begged sa kanya, na wag nya sana akong lokohin kung ayaw nya na sana sabihin nya na lang. i begged him to tell me what should i do para lang maibalik yung dating kami. i cried every night. at nagmamakaawa sa kanya over the phone. pero he just screamed at me or even laughed at times. so i asked him if what does he want me to do, para maawa sya sa kin kasi hirap na hirap na ko, i even told him that i could leave my daughter for him para mag focus lang ako sa kanya, but then he said he never wanted that at gusto nya akong umuwi ng pinas ora mismo. but i can't yet that time kasi wala pa akong pera kasi wala pa akong tarbaho. at ayun he disappeard once again. then he said na i deactivate ko facebook ko and i did kahit mahirap at sabi nya pa sya din daw i di deactivate nya. pero i came to learned na may bago pala syang facebook (until now) at na depress ako, na muntikan ng ma rehab sa subrang depress. so i decided to file a fiance visa petition para sa kanya despite sa status ng relasyon namin kasi nag babakasakali akong magiging maayos kami at biniblame ko yung distance kung bakit sya nagkakaganun. By June 2015 na file ko na ang petition. and by that next month na approved. so i called him para ibalita sa kanya ang news. at nabulyawan pako. so by august, i decided to finally give myself a break. at hindi na din sya nag paramdam ulit. by September that same year umuwi ako ng pinas, without him knowing.  i thought i was okay na from all the neglection and rejection. pero few weeks after ng dumating ako, ay nalaman nya na umuwi ako from his mom, so we agreed to meet up. reason ko na bakit ako makikipag kita is to ask him kung bakit sya ganun sa kin nung nandito ako sa US at gusto ko na ng official break up. pero nung nagkita kami, ayun ayaw nyang pag usapan lahat ng nangyari and i was not even allowed to ask. at gusto nya na maging okay kami agad. without even him exerting effort, at sabi pa sya na pag mahal ka daw ng isang tao no need daw na pahabolhabolin. now ako namang tanga gaga bobo at kung ano ano pa, nag padala ako. since september last year until May this year, on and off, and mas naging worst pa sya. nung March this year til april, we had another chance na mag live in ulit due to my family conflicts. akala ko magiging okay kami kasi we are living together na. pero hindi pala. nakakaya nya akong ipahiya sa parents nya na keso ako daw malandi, madaming lalaki, makati ako, mga ganung salita. pero hindi ko yun pinatulan. mas inintindi ko pa. at may times na harap harapan nya akong ginagago. at hindi ko ididinay na may times don sa mga oras na yun na napuno nako at nag away kami at nagkasakitan ng pisical. one time, he choked me. and i just cried.. and by the next morning, d ko sya pinansin and he wanted to have sex, sabi ko ayaw ko wala ako sa mood, then nagalit sya ano na naman daw pinuputok ng buchi ko. then i told him na i was not over sa ginawa nya na sinakal nya ako. pero sya pa tong galit. madaming araw na nag aaway kami sa maliit na rason. pero mas pinili ko pa rin na mag stay at mas mahalin sya kesa sa iwanan sya. May 2015, nung na approve ang fiance visa petition ko sa kanya. at ready to fly na sya. pero nung panahon na na approve ang visa nya, ni thank you wala sya. ni hug o kiss wala. ako pa sinabihan na ma arte daw ako, at kinikwenta ko raw sya, hindi nya naman daw sinabi na petisyonan ko sya. nasaktan ako, pero pinili ko pa ring intindihin sya dahil masaya lang siguro sya nung araw na yun at na overwhelm at hindi alam pano ideliver yung totoong nararamdaman nya. so after i thought magiging soft flowing na kami by then. pag balik namin ng davao, sya sa bahay nila at ako naman sa min, bumalik ulit yung ugali nyang hindi nag titext, hindi tumatawag, at walang ka i effort sa relasyon. i understood him even more. then few days before i flew back here sa US, we saw eachother. nag sorry sya finally sa mga nagawa nya nung hindi sya nag text at nagparamdam sa kin nung nandito ako sa US, nag sorry sya sa mga bagay bagay na nagawa nya at aminado syang mali sya at tinake for granted nya ako. and for that mas na appreciate ko pa sya at mas minahal. at nag promise sya sa kin na babawi sya. at marami pa syang ibang pinangako na kesyo mag titext na sya lagi, mag cha chat kami lagi, mag bi video call kami lage at mag i effort at mag a update. after ilang araw (na nasa pinas pa ko) job well done sa pinangako nya. pero nung lumipad sya ng manila (a day before ng flight ko pa US) ayun, na bago ulit ang ihip ng hangin. nakalimutan nya na yung mga binitawan nyang pangako sa kin. then the night before ng flight ko, i begged him na mag text text o magtawagan kami kasi kinabukasan wala nako. pero hindi nya ako pinagbigyan kasi daw pagod sya. then hindi na nagreply. since dumating ako dito (may 31 2016) each day mas nagiging worst sya sa relasyon namin. at ang bilis nyang nakalimutan ang mga binitawan nyang mga pangako. he does not appreciate my effort. ako pa rin tong natutulog ng alas sais ng umaga dito para habolin yung oras nya don. pero ayun parin. sya walang paki. hindi nagpaparamdam, walang update. hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya as in wala. nalalaman ko nalang mga whereabouts nya thru his mom kasi minsan nag cha chat kami ng mama nya, at nalalaman ko din sa mga post ng tita nya sa instagram. yesterday, i got fed up. i messaged him sa viber telling him kung ano saloobin ko in a nicest way possible. and told him na if ganun na lang man better if we just separate our paths. but what did i get? nothing. seenzone lang. i never got any message explaining things or telling me to stay. wala talaga. then earlier today he texted me if wala na ba daw akong planong magparamdam. and then that was it. and did i tell you i have no idea if where he is? nalaman ko nalang ngayon ngayon lang that he is in pagudpud enjoying the views and the beach. tapos ako dito trying so hard to have a double job para lang maging maayos buhay nya pag dating nya dito. and these all i have gotten in return. and i find it unfair Sad subrang sakit ng nararamdaman ko. na wala na akong maiyak. na pati sa pag tulog nasasaktan pa rin ako. mahal na mahal ko sya subra. but i feel like hindi na sya masaya sa kin. i want to let go of him na. but how??? Sad please do help me.. Sad
Logged
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« on: June 28, 2016, 04:29:33 PM »

 Logged
JYLLDS_Yumi
PLF Junior
*****

Charisma Level 10
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 1525



« Reply #1 on: June 29, 2016, 04:00:35 PM »


newbie here. hahaha.. miss u guys..
Logged

Trust in the lord w/ all thine heart and lean not unto thyne own understanding....
In all thy ways acknowledge him and he shall direct thy path..
Proverbs 3:4-5
Ikawalu
PLF Junior
*****

Charisma Level 6
Offline Offline

Posts: 2322


Quentin T@rantado


« Reply #2 on: June 29, 2016, 08:38:26 PM »


hi, pareho pala tayong newbie dito ma'am...
Logged

"Abortion is wrong. God doesn't approve of ending a life just because a person has regrets about how things turned out." - Genesis 6:6-7

http://i877.photobucket.com/albums/ab334/james_o22/jamesorig.jpg
yiiane
Sr. Member
*****

Charisma Level 7
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 311


doomed


« Reply #3 on: July 18, 2016, 05:27:10 PM »


sige na nga mga newbie na nga kayo Smiley
Logged

"泣いて暮らすも一緒、笑って暮らすも一緒"

Naite kurasu mo issho, waratte kurasu mo issho.

It is the same life whether we spend it crying or laughing.
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
   

 Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Privacy Policy: Privacy Policy Email: pinoyloveforum@yahoo.com

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.18 | SMF © 2013, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!