hindi lahat ng anghel maputi
may negra, mestisa at meron ding morena
may maldita, maria clara at meron ding pilya
kaya pala ganun minsan sila
mabait, makulit at tila mga bata
may mataba, payat at meron ding balingkinitan
may maliit, matangkad at may katamtaman
iba iba din pala mga itsura nila
akala ko puro lang itsurang amerikana
pero sa lahat isa lang nagustuhan ko,
kakulay ng tsokolateng paborito ko
ang kulay morenang kulay ng kahoy
sa mga kutis nila tila dumadaloy
sigurado di ka ibon di ka eroplano
pero isa lang ang sigurado
isa kang magandang superhero
pwede bang sagipin mo ko?
totoo di lahat ng anghel maputi
isang pruweba dito ang iyong mga ngiti
na parating gumuguhit saking pisngi
baon ko hanggang sa aking paguwi
at sa twing tinititigan mo ko
lagpas pa sa langit nararating ko
di ko din nararamdaman mga paa ko
palagi akong nawawala sa mga mata mo
kapag naririnig ko ang iyong tinig
puso ko sumosobra ang pintig
at kapag kausap ka na sinta
ayoko na bumitiw na parang linta
di ka man kasing puti ng ulap
pag kasama kita para kong nasa alapaap
di man kasing liwanag ng araw
pero pag katabi kita masaya ko buong araw
totoong may anghel sa lupa
kahit minsan sila'y kulay lupa
wag kang mag alala miss darna
para sakin ikaw ang pinakamaganda
