Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
May 27, 2012, 05:24:30 AM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
 
   Home   Help Search Login Register  
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Para sa mga ladies... I need an opinion for my late friend.  (Read 178 times)
BSPJ TSUKI
Hero Member
******

Charisma Level 16
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1261


Wat d heart has once ownd & had, it shall nvr lose


« on: December 09, 2011, 03:01:57 AM »


First of all. I'm here again. Smiley

Ang istoryang ito ay sa isa kong kaibigan na sumakabilang buhay na on an accident. But before we go to the details, read this first.:


magkabarkada kami ni GEO (hindi totoong pangalan) nung ng-aral pa ako sa hometown ko. pero hindi kami close nito dahil noong time na yun nagbabakasyon lang sya sa hometown namin dahil may trabaho nga sa city. at doon namin nakilala ang GF nya si ISAK (hindi totoong pangalan). sa tingin ko naman sa silang dalawa ay talagang tunay na nagmamahalan at tinanggap ng parents ni GEO si isak na para ding kapamilya. hindi lang namin nakilala ng mabuti si isak dahil sa mga panahon na iyon sandali lang sila sa amin. hanggang ako rin ay umalis sa lugar namin para mag-work sa ibang lugar. bale sobrang dalawang taon din ako nawala sa hometown namin. at sa totoo lang ay kauuwi ko lang ulit at nasaksihan ang isang pagmamahal na wagas at isang pagtraydor.

naabutan ko si Geo sa pag-uwi na hindi na siya nagtrabaho sa city, kundi nagtayo na ng maliit na negosyo d2 sa amin at parati naman siyang dinadalaw ng GF niya dito o kaya siya ang dumadalaw sa GF niya. at napabalitaan ko pa nga na magpapakasal na sila next year. nakikita naman namin na mahal na mahal nila ang isat-isa. pero kaming magkakabarkada ay naguguluhan sa ibinalita ni GELA(hindi totoong pangalan) sa amin na co-worker ni isak. pinsan ng isa sa kabarkada ko si GELA at matagal narin niya nakatrabaho si isak. ngunit hindi sila close nito dahil ibang department sila. nakilala ni GELA si isak na BF niya si geo dahil noong nakaraang taong lang. pero akala niya lang noon na ibang babae lang nakita niya at hindi yung co-worker niya. hanggang nakita nga niya si GEO na sinusundo si isak sa companya nila. kaya niya ito na-comperma nga tama nga ang hinala niya. noong nakaraang 4 buwan lang nabalitaan sa aming magkabarkada na may ibang masugid na manliligaw si isak at halos araw-araw nakikita ni gela na sinusundo si isak tuwing uwian. at nakomperma nga ni gela na magkarelasyon yung dalawa. ang masakit nito ay walang kaalam-alam si GEO sa lahat na nagyayari. kahit bumibisita pa ito kay isak sa city.

nagpasya kaming magkabarkada na hindi muna namin ipagsabi ang katutuhanan at antayin na lang na si isak na ang magsasabi kay geo at ayaw namin siya pangunahan. bilang respeto nalang sa kanilang dalawa. pero sa halip ay hindi ito nagawa ni isak sa pag-amin nito. patuloy pa rin bumibisita si geo kay isak. pero hindi na namin napapansin na bumibisita man lang si isak kay geo. hinayaan nalang namin muna sila. pero isa sa kabarkada ko ay naiinis na dahil mali talga ang ginagawa ni isak sa kaibigan namin.

noong nakaraang buwan lang umusbong  ang maliit nanegosyo ni geo at nag-celebrate nga kami nito. hindi masisidlan pa ng tuwa ang pakiramdam nya dahil  matutupad na lahat ang pinapangarap niya. natahimik kami lahat at naaawa na sa ka-inosentehan ni geo sa pangyayari. pero nanatili pa rin kaming lahat na itikom ang bibig. tinawagan nya si isak para ipaalam lahat ng magandang balita. pero hindi nya sinabi na susurpesahin nya itong bisitahin sa city. kinabukasan umalis agad si geo, nag-motorsiklo lang ito papuntang city dahil 2 hour ride lang ito mula sa amin.

pagkalipas ng isang araw nabalitaan namin na nadisgrasya si geo. isang motorcycle accident on the way to city. halos hindi namin siya nakilala dahil basag ang mukha niya. noong time na yun inakala namin na naaksidente siya dahil nalaman niya na may relasyon si isak sa iba. ang masama nito ay namatay siya na walang kamuwang-muwang sa pagtraydor ni isak sa relasyon nila.

GUILT ang naramdaman naman sa panahon na iyon. dapat sinabi na namin sa kanya. dahil kung sinabi na namin agad baka hindi pa namin siya papaalisin at sasamahan pa namin siya patungo city para hindi siya mapahamak o kaya kung ano man ang ikabubuti pa sa kanya. masakit talaga para sa amin dahil ma-prevent sana namin ang pangyayari na yun.

ang masakit pa, sa 3 araw ng kayang pagkaburol ni anino ni isak ay hindi namin nakita. ilang beses na rin tinatawagan ng parents ni geo simula pa nung unang araw na nabalitaan sa pagkaaksidente niya. buti pa si gela nakadalaw pa. pero kahit sa araw ng libing wala paring isak kaming nakikita. nabalitaan namin kay gela na kinompronta niya si isak. ang ikagulat na sagot nito ay waring hindi namin masikmura. dahil ang sinagot lang nito "ay ganon! patay na pala siya. so what.."


1. sa opinion niyo tama bang tumahimik nalang ba sa nalalaman ninyo? para hindi niyo pangunahan ang tao.
2. ano ang reaksyon ninyo sa sinabi ni isak: "ay ganon! patay na pala siya. so what."

sana may natutunan kayo ng leksyon sa istorya ko. maraming salamat sa pagbabasa
Logged

I may b able 2 spek d languages of human beings & evn of angels, but f I hav no luv, my spech s no mor than a noisy gong or a clanging bell. I may hav d gift of inspired preachng; I may hav ol knwldge & undrstnd all screts; I may have d faith neded 2 mov mountains-but f I hav no luv, I AM NOTHING.
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« on: December 09, 2011, 03:01:57 AM »

 Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Privacy Policy: Privacy Policy Email: pinoyloveforum@yahoo.com

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.15 | SMF © 2011, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!