Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
May 26, 2012, 02:41:46 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
 
   Home   Help Search Login Register  
Poll
Question: aasa ka ba na love ka nun o hindi? (yung situation po nasa baba) hehehe  (Voting closed: June 05, 2011, 01:11:21 PM)
love ka ng guy na yun, hnd niya lang maamin kasi friends kayo - 1 (33.3%)
hindi ka niya love, ganun lang talaga siya pagdating sayo - 2 (66.7%)
Total Voters: 3

Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: pinagseselos ka lang ba niya kasi love ka niya o wla nman tlga kaya wag umasa  (Read 939 times)
ijustrealized23
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 20


« on: August 09, 2010, 01:11:21 PM »


Ang dami nagsasabi ang "sweet sweet niyo", "bagay kayo ng friend mo", "parang kayo lang dalawa ang tao sa mundo ah", "mas bagay kayo maging lovers kesa maging friends" pero pano kung kayo naman ang magkasama sige tanong naman siya dun sa isang girl na sinasabi niyang crush niya pero pagkayong 2 girls ang nandun, sayo pa rin siya mas sweet, tapos kapag may kausap kang ibang guy nandyan siya nagpapansin, pero paginasar na kayo, layo naman siya agad, pagtinanong naman kayo walang umaamin, ang gulo d b? aasa ka ba na love ka nun o hindi?


please add comment.. thank you very much.
Logged

mahal ko friend ko, sabi ng iba mahal ako nun, pero nasasaktan na ako, ayaw kong umasa kasi walang umaamin sa amin na gusto namin ang isa't isa...
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« on: August 09, 2010, 01:11:21 PM »

 Logged
simplegirl
Full Member
****

Charisma Level 3
Offline Offline

Posts: 170


"Signing Off"


« Reply #1 on: August 09, 2010, 01:15:02 PM »


can i know whats the story behind this question?or is it your story can you please tell us.
Logged
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« Reply #1 on: August 09, 2010, 01:15:02 PM »

 Logged
tempgirl
Love Adviser
PLF Senior
*****

Charisma Level 395
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 15480

PLF's Resident Queen B/kontrabindang BIDA. :p


« Reply #2 on: August 09, 2010, 01:17:30 PM »


simple girl may post na siya about that...

its a long post pa nga eh...


Friends kami since 1st year (tawagin na lang natin siyang torpe, yun din kasi ang sinasabi niya palage kung bakit wala pa rin siya nagiging gf hanggang ngayon), pareho kaming gc(grade conscious) kaya yun nakasama siya sa set of friends ko. Komportable ako pagkasama ko siya, inaasar niya ako sa lahat ng paraan. Minsan pagnapipikon ako hinahabol ko pa siya tapos ayun maririnig ko na yung mga klasmeyts naming aasarin na kmi. Pagmay groupings, automatic na yun na kami ang magkakagrupo kasi 6 kaming mgkakaibigan eh. Naaalala ko nung minsan, hindi gumana yung video na ginawa namin, sinisisi ko na yung sarili ko kasi pasahan na tapos hindi pa rin namin napapagana yung amin, umiiyak na lang tuloy ako sa tabi. Habang nakasubsob ako sa bag ko kasi ayaw ko pahalata sa ibang klasmeyts ko na umiiyak ako, bigla niyang hinawakan yung ulo ko saka yung balikat ko para sabihing wag na akong iiyak, gagawa daw siya ng paraan. Ngumiti lang ako. Tapos, ayun gumana nga, hinanap ko pa siya ng tingin kung saan siya nakatayo, tapos ayun nakatingin naman pala siya sa akin at nakangiti. Nung natapos yung klase sabi niya sa akin sige iyak naman daw kasi ako, tapos walang katapusang asaran.

Meron din akong naging close na isang guy, dun lagi niya akong pinagduduldulan. Naaasar ako hinihila niya pa ako papalapit dun sa guy na yun tapos siya lalayo at makikipagharutan dun sa iba naming mga girl na klasmeyts. Sabi ng mga close friends naming (yung kaming 6), meron sa amin na something, sinasabi nila na gusto ako nun, ako naman ayaw ko maniwala.

Nung 2nd year nagkaroon kami ng irreg na kaklasmeyt. Cute siya, chinita naging close ko siya kasi groupmates ko siya sa isang subject. Sinabi niya sa akin na crush niya yun. Magsimula nun medyo umiwas na ako kay torpe. Nasasaktan kasi ako sa tuwing kinukwento niya yun tapos magtatanong pa siya sa akin bout kay girl chinita. Medyo humihiwalay na din itong si torpe sa aming anim kaya parang 5 na lang kami. Gusto niya daw kasi magkaroon ng maraming friends. Hay, masakit kasi yung dating treatments niya sa akin parang may kahati na ako.

Nagkaroon kami nuon ng papanuorin na play sa star city at kasabay kong uuwi nun yung isa naming klasm8 na girl na naging close ko dahil sa gawa ng blogs. Itong si girl blog na ito naginvite na magovernyt dun sa kanila yung mga friends niya at kasama dun itong si torpe na buong akala namin bagong recruit nila. Pero inassure naman kami ni torpe na hindi naman kasi nakikisama lang siya. Anyway, deadma lang naman kami nun kasi 4 girls kaming magkakaibigan tapos 2 boys (siya at yung gay na friend namin) kaya yun 6 kami at alam namin yung feeling niya na kung minsan op siya hehehe. Nung sa star city, gusto niya sana makasama itong si chinita girl sa isang ride, nagulat pa nga ako nung bigla na lang silang nawala kasi bumili sila ng food. Ako, hindi niya niyaya. Nasaktan na ako nun kaya todo iwas na lang ang drama ko nun at lagi ko na lang kasama yung gay kong friend. Nung uwian na umupo ako sa isang gilid kasi nangangawit na yung mga binti ko, tumabi siya sa akin tapos sinabi niya na super naiinis siya kasi hindi niya man lang nasabi na like niya si chinita girl. Ouch sa akin yun, nakikinig lang ako at ayaw ko nman siya bigyan ng payo kasi nbsb ako(hanggang ngayon). Sabay kami nun umuwi, sa sobrang bothered niya hindi niya namalayan na hindi kami magkasabay sa jeep kasi mahirap ng sumakay nun at nahati kami sa 3 batch. Nagkasabay na lang kami nun sa isang jeep kasi terminal yun, lahat sila malapit na magsibabaan at ako na lang maiiwan. Dun na rin niya ata narealize na ako lang magisa uuwi. Isinasama na rin ako at iniinvite nila pero ayoko ksi malapit na din naman yung bahay namin dun. Nung pababa na siya hinawakan niya hita ko sabay sabi na ingat ako. Híndi ko na sila nilingon nun pagkatapos kasi ayaw ko makita nila na natatakot na din ako nun 2am na rin kasi.

Nung pagpasok namin sa school kinabukasan híndi man Lang niya ako tinanong kung maayos ba ako nakauwi. Kaya deadma na Lang ako at nung pauwi na kami nagmp3 na Lang ako. Pero sinabayan niya akong maglakad tapos tinanong kung natakot ako, sbi ko bakit? Sabi niya mukhang híndi naman ako natakot kasi matapang naman daw ako eh. Hay... kung alam niya Lang. Nakita ko na rin yung mga pictures namin nun. Nagulat ako kasi yung isang Picture namin nakita ko na nakatingin siya sa akin, inasar na naman tuloy kami ng mga friends ko. Pero siya parang wala Lang. Nagspeech com din kami nun at required na nakadress kami, nagdress ako maraming nagsabi at nagulat na maganda pala ako pagnagayos. Siya din sinabi niya din yun. Napangiti Lang ako, pero biglang bawi niya at sabihan na magpapayat ka Lang ng konti tapos yang ngipin mo sana híndi masyado magkakahiwalay baka maging maganda kA PA. Che! hmmppfff.....

Chubby ako, pero gifted naman sa pagkakaroon ng shape Ang katawan. I mean, mapapansin mo na khit simpleng t-shirt lang suot ko kumukurba pa rin yung katawan ko (hnd sa nagbubuhat ng bangko, pero yun Isa sa mga asset ko eh hahaahah) kaya madalas lagi akong binabastos ng mga bastos na tambay. Ggggrrrrrr...... hnd rin ganun kaganda ipin ko. Admitted naman ako eh... hmmpppfff... hnd rin ako palaayos, wala akong pakialam kung sabog sabog na buhok ko at medyo damit boyish kumilos. Masasabi ko rin na may utak ako, kaming 6 kaya kami nagclick kasi pare-pareho kaming gc(grade conscious) hehehe.... lady programmer din ang tawag nila sa akin at dahil dyan nagsasalamin na ako sa mata. (wheew feeling genius hehehe). Favourite kong attire – rubber shoes + t-shirt + pony tail o lugay na walang suklay hehehe + backpack + eyeglass = me!!! Dati!!!

Isang araw nagulat na lang kami nung sabihin na magkakaroon ng reshuffled na section. Naiiyak ako kasi malaki ang chance na magkakahiwalay kaming 6. Super dasal ako na sana  makasama ko yung super closed friend ko na girl sa grupo na si girl bangs (lagi kasi siyang nakabangs eh).

Bago nangyari yun nagkaroon kami ng activity sa pyche para sa farewell. Magbibigay ng fruit sa isang tao tapos sasabihin mo ng “i love you or i like you because....”. hindi na ako umaasa na ako ang pagbibigyan niya eh. Kaya super iwas na ako ng tingin. Bigla na lang niya inabot sa akin yung banana tapos sabi niya “i like you because ang bait mo sa amin”. Hiyawan yung buong klase saka yung set of friends namin ng sobra pero sige sabi naman siya na hindi naman. Ngumiti lang ako. Marami kaming memories together na super tinetreasure ko, marami rin na happenings na nakikitaan ko siya ng concern at admitted din ako na iba talaga yung treatment(special? Ewan ko, sabi nila, pero pakiramdam ko OO hay) niya sa akin.
Dumating na rin yung day na kinatatakutan namin – ang pagpost kung saan na yung bago naming section. Magkakahiwalay na kami pero kami ni torpe at yung lola chubby kong girl na friend (kasma sa anim) ang nagkasama sama. Habang yung girl genius, gay friend, at girl bangs (kasama sa anim) ay nadistribute sa ibang mga section. Meaning ako, at yung 2 lang ang natirang laging magkasama.

D2 nabago ang lahat, ngayon ang attire ko – rubber shoes/doll shoes/sandals  +  t-shirt/blouse + pony tail o lugay with side bangs + backpack + eyeglass = me!!! pero ngayon mas payat na ako (nagagawa ko naman at sana magtuloy tuloy), nakabrace na din ngipin ko, at marami na rin ang nagpapakita na mga lalaki na may interest sila sa akin. Dun medyo dumistansya na siya, may bago na kasi ako kaloveteam sa room. Pero namimiss ko yung closeness namin.

Hanggang sa dumating yung super pahirap na subject namin sa lahat na kinalangan pa namin na magrent ng apartment dahil hnd namin makayanan ang palipat lipat ng pinagoovernytan at  para ma-maintained namin na 1st place pa rin kami. Hay... dun naging close uli kami kasi sa akin siya tumatabi pagmatutulog na kasi itong lola chubby girl super likot matulog. Tapos yung liit girl na kasama namin sa team eh hnd naman niya ganun kaclose. Dun nagkasakit ako, inalagaan niya ako. Super bothered siya, ako magaadviced ng kung anu-ano para hnd na siya bothered. Dun parang affected din siya sa pinost ko sa facebook sa wall ko na “kelangan ko ng bumitiw habang maaga pa”. Actually siya talaga ang pinatutungkulan ko nun, pero dahil alam nila na mahilig akong magbasa ng kung anu-ano sa blogs, akala nila quotable quotes lang yun na nirepost ko. Pero siya super affected at super sabi na baka na mimisinterpret lang nung isang girl. Torpe daw siya, paulit ulit niyang sinasabi.

After nun hnd na siya sa akin tumatabi matulog. Super lumalayo na din siya sa akin. Pero 1 night super pagod ako nun dahil pinaayos ko yung salamin ko sa mata tapos diretso dun sa apartment nakatulog ako dun sa paanan niya. Nagising siya at hindi raw makapihit kaya pinaakyat niya ako kapantay niya para share na rin kami sa unan, naiinis naman ako kasi naistorbo tulog ko pero pumantay at nagshare na nga kami sa unan. Nagkatabi kami uli.
Nung inantok na lahat nagayos na kami ng higaan, sa akin uli siya tumabi, at this time nung tulog na ang lahat nararamdaman ko na niyayakap niya ako. Pero dahil feeling niya na tulog na din ako kaya niyakap ko na din siya. Alam kong mali, super naiinis nga ako sa sarili ko eh. Pero super secured ako nung magkayakap kami. Pero ang kinaiinisan ko sa tuwing gigising kami sa umaga parang wla lang sa kanya. I mean, walang may gustong umamin sa aming dlawa na gising kami nun at kunwaring tulog lang. Ilang gabi din kasi kaming ganun.

Dumating din yung isang gabi na nagshare siya ng mga kwento at ako din. Tapos super nagseselos daw siya sa iba naming mga friends (yung anim) kasi sa anim, dlawa lang yung nasasabihan ko ng mga secrets at problems ko at hindi siya kasama sa dlawang yun. Sinabihan pa niya ako na pagbabaguhin at pinangako na tuturuan niya ako na matutong ishare yung feelings ko sa iba kasi paggalit ako hindi na ako nagsasalita o kaya aalis na lang bigla. Dun daw siya super nababother, wag ko daw kasi kimkimin baka magkasakt daw ako sa puso.

Hanggang ngayon hinihintay ko yung pangako niyang yun. Pero lam ko na hindi na matutupad yun kasi magsimula ngayong pasukan hnd na kami gaano naguusap. Hnd n rin kami magkatabi sa upuan, hnd na rin kami magkagrupo sa mga activities. Nararamdaman ko na umiiwas siya. Simula nung huling araw namin sa apartment na pinilit kong huwag syang yakapin. Simula nung araw na kami uli ang naging 1st place dhil na rin sa sipag at sa tibay ng faith namin kay God. Simula nun wla na rin siyang text. Hnd na siya nagtetext. Hnd na rin siya lumalapet sa akin kapag may kelangan siya. Dun na sa mga dati naming klasmeyt na naging klasmeyt uli namin ngayon dahil nagreshuffle uli kaya naging klasmeyt ko uli si girl bangs, pero ngayon yung super biggest secret ko hnd ko na masabi kay girl bangs. Hnd ko masabi na inlove ako sa isa namin guy na friend – si torpe.

Gusto Kong maniwala na babalik yung dati naming closeness. Gusto kong maniwala na meron din siyang feelings sa akin na kaya niya ginagawa ito kasi natatakot lang siya sa commitments. Pero unti unti na akong nasasaktan at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Unti – unti rin na marami akong mas nagiging close na lalaki pero hindi ko pa rin maibigay sa kanila yung treatment na ginagawa ko sa kanya. Magkasabay pa rin naman kami umuwi, tinatawag niya ako pagpapasok na siya dun sa boarding house niya para lang magbabye. Nililingon ko siya kasi natatakot ako na baka paghindi ko siya nilingon baka kinabukasan hindi na niya ako tatawagin para lang magbabye.

Help me.... ayoko ng ganito, hnd ko pa rin naman nararanasan ito eh.. ksi nbsb ako, kaya hnd ko alam kung ano ang pakiramdam at ano ba dapat kong maramdaman. Isa lang ang sure ko ngayon, nahulog na talaga ako.


4th year college na kami ngayon, konting panahon na lang gagagraduate na kami at magkakahiwalay na ng tuluyan, gusto ko na hilahin yung araw na yun para wala na akong maramdaman na sakit. Gusto ko lang ng may taong mapapagsabihan, natatakot kasi ako na baka magkasakit talaga ako sa puso......
Logged

ijustrealized23
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 20


« Reply #3 on: August 09, 2010, 01:18:07 PM »


can i know whats the story behind this question?or is it your story can you please tell us.


inayos ko na po, sorry newbie lang po, thanks... Smiley
Logged

mahal ko friend ko, sabi ng iba mahal ako nun, pero nasasaktan na ako, ayaw kong umasa kasi walang umaamin sa amin na gusto namin ang isa't isa...
simplegirl
Full Member
****

Charisma Level 3
Offline Offline

Posts: 170


"Signing Off"


« Reply #4 on: August 09, 2010, 01:19:08 PM »


ok!im sorry i didnt see that here.Sad
Logged
ijustrealized23
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 20


« Reply #5 on: August 09, 2010, 01:19:27 PM »


simple girl may post na siya about that...

its a long post pa nga eh...





ahehehe... thanks po... Smiley
Logged

mahal ko friend ko, sabi ng iba mahal ako nun, pero nasasaktan na ako, ayaw kong umasa kasi walang umaamin sa amin na gusto namin ang isa't isa...
tempgirl
Love Adviser
PLF Senior
*****

Charisma Level 395
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 15480

PLF's Resident Queen B/kontrabindang BIDA. :p


« Reply #6 on: August 09, 2010, 01:23:39 PM »


no problem dear Smiley

abt naman yer problem i think he likes you he's just torpe kaya he acts that way.
Logged

ijustrealized23
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 20


« Reply #7 on: August 09, 2010, 01:31:09 PM »


no problem dear Smiley

abt naman yer problem i think he likes you he's just torpe kaya he acts that way.


parang nagbalik na din yung dating kami, nagaasaran, nangungulit, since yun nung nagkasakit ako, binilhan pa niya ako ng gamot Smiley pero wala siyang alam na may sakit ako nun, nagtanong at nagalit nga siya nun nung sinabi ko na "bakit ko naman sasabihin? nagtanong ka ba? saka lagi ka naman wla eh, malay ko ba gusto mong malaman na may sakit ako..."

naalala ko pa din heheeheh.... sa iba niya kasi nalaman na may sakit ako Smiley thanks po uli... Smiley
Logged

mahal ko friend ko, sabi ng iba mahal ako nun, pero nasasaktan na ako, ayaw kong umasa kasi walang umaamin sa amin na gusto namin ang isa't isa...
simplegirl
Full Member
****

Charisma Level 3
Offline Offline

Posts: 170


"Signing Off"


« Reply #8 on: August 09, 2010, 01:34:05 PM »


korek si tempgirl i think he likes maybe he is just worried baka kasi masira friendship nyo may ganun kasi eh mas pinapahalagahan ang friendship than saying the real feelings.i hope makapagsabi na sya sayo.
Logged
ijustrealized23
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 20


« Reply #9 on: August 09, 2010, 01:40:43 PM »


korek si tempgirl i think he likes maybe he is just worried baka kasi masira friendship nyo may ganun kasi eh mas pinapahalagahan ang friendship than saying the real feelings.i hope makapagsabi na sya sayo.


sana nga po, malapit na din kasi graduation Sad , yung isang close friend ko sinabing naglolokohan kaming dalawa khit wala akong sinasabi sa kanya parang nararamdaman naman niya yung nangyayari sa amin nung friend ko na yun... Smiley
Logged

mahal ko friend ko, sabi ng iba mahal ako nun, pero nasasaktan na ako, ayaw kong umasa kasi walang umaamin sa amin na gusto namin ang isa't isa...
reya
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 12



« Reply #10 on: November 02, 2010, 02:07:34 PM »


bakit hindi mo sya bigyan nang hint na you like him?kung torpe si guy friend..
huwag mo masyadong pahirapan. Wink
Logged

‎"I hate when people say I look miserable when I’m just sitting there. Do I need to paint a smile on all the time?"
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
   

 Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Privacy Policy: Privacy Policy Email: pinoyloveforum@yahoo.com

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.15 | SMF © 2011, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!