Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
May 26, 2012, 01:22:28 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
 
   Home   Help Search Login Register  
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Love Match. Part III. "Last Post".  (Read 2695 times)
Being Hated
Hero Member
******

Charisma Level -57
Offline Offline

Posts: 766

Men Don't Have Virginity That Is Why I Hate Them.


« on: July 26, 2010, 09:35:28 PM »


Summary.  Nabasa niyo man ito, makikita niyo ang katagang Please, Understand Me at I Don't Understand You sapagkat ang lahat ng ito ay makikita sa isang taong itinutukoy ko kung ano ang maaaring posibilidad na maisip niya duon sa taong makaka-encounter niya.  Hindi siya literal.  Symbolical siya sa araw-araw ng sitwasyon na nangyayari sa bawat nilalang dito sa ating mundo.

Ready?  Get-set?  Go!

Una si Artisan Personality Type from the book of David Keirsey ng Please, Understand Me.

Halimbawa at ganitong tao ang nangyari kay Artisan Personality Type.  Nakakita siya ng matayog na puno.  Mataas at makisig at may mga sanga-sanga pang nakalambitin sa katawan ng puno na yun.  Si Artisan Personality Type ay dahil siya ay adventurous type of person at pasaway ika nga, aakyat siya sa puno at maglalambitin siya duon ng ilang oras.  Masaya siyang nagtatatalon sa bawat sanga ng punong inakyatan niya at tuwang-tuwang siya.  

Ang reaksyon ng taong may Rational Personality Type kung sakaling makita niya si Artisan Personality Type na naglalambitin sa sanga ng puno ay ganito.
"Artisan!  I don't understand you!  Bakit ka naglalambitin sa puno, e aanhin mo yung pagtalon-talon diyan sa sanga ng puno na yan kung mamamatay ka rin pala diyan, huh?"  [Utak]

Ang reaksyon naman ng taong may Idealist Personality Type ay ganito. "Artisan, huhuhu...  I don't understand you.  Hindi kita maintindihan kung bakit gusto mo mapahamak ang sarili mo sa kakalambitin mo diyan sa sanga ng puno na yan ha?  Nasasaktan ang puso at damdamin ko at hindi kita kayang makita na naglalambitin ka sa puno na yan sapagkat maaari kang mapahamak at masaktan.  Ang sakit sobra ng ginagawa mo sa akin, huhuhu.  Hindi talaga kita maintindihan kung bakit gusto mo maglambitin diyan sa puno na yan, e madidisgrasya ka naman diyan.  Bumaba ka na po, huhuhu"  Sad [Feelings]

Ang reaksyon naman ng taong may Guardian Personality Type ay ganito. "Artisan, baka naman mahulog ka diyan.  I understand you, Artisan.  Kung maglalambitin ka sa delikadong sanga na yan, huwag kang mag-alala, gagabayan kita sa ginagawa mo.  Andito lang ako para sayo at sasaluhin kita sa oras ng paghulog mo or para hindi ka mahulog, alalaanin na lang kita diyan.  Huwag kang mag-alala, andiyan ako sa side mo.  Suportado ako sayo"   Smiley [Guardian, Guide]

Yan ang dahilan kung bakit sinasabi-sabi sa libro ng Please, Understand Me ni David Keirsey na mas compatible ang Artisan Personality Type sa Guardian Personality Type.  Maka-encounter man ang taong Artisan Personality Type sa Idealist Personality Type at Rational Personality Type, baka sabihin lang ng taong may personality type ng Artisan ay ganito.  "Kayong Idealist at Rational, bakit hindi niyo ako maintindihan na ito ang gusto ko, ito ang nagpapaligaya sa akin?  Please, understand me!"  ---sabay tuloy ng luha si Artisan.  [May drama pa sa huli]...

http://www.pinoyloveforum.com/index.php/topic,4622.0.html

http://www.pinoyloveforum.com/index.php/topic,4679.0.html

http://www.pinoyloveforum.com/index.php/topic,4705.0.html

Logged

Kapag masakit ang puso.Tanggapin mo siya ng buong-buo.Kapag tinanggap mo siya ng buong-buo.Hinding-hindi na ang utak mo magugulo.Kaya hindi na magugulo ang utak mo.Manhid na ang puso mo.At kung manhid na ang puso mo. Magkakaruon ka na ng kapayapaan sa buhay mo.Ang problema nga lang wala ka ng puso.
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« on: July 26, 2010, 09:35:28 PM »

 Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Privacy Policy: Privacy Policy Email: pinoyloveforum@yahoo.com

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.15 | SMF © 2011, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!