KARMA
By: Rose Ann (A.k.a Tiredheart)
Ako yung tipo na di marunong magseryoso
Para sa akin ang lahat ay isang laro
Minsan pa nga dinadaan ko lang sa biro
Dahil natatakot ako na muling mabigo
Nagkaganito ako ng minsang magmahal
Sa murang edad naranasang maging hangal
Ang masaklap pa bestfriend ko ang karibal
Sa pag-ibig ng lalaking sobra-sobra kong minahal
Kaya naman sobra ko yng iniyakan
Matagal na panahon din bago ko sila malimutan
Pag naaalala ko di ko maiwasang masaktan
At bakit sya pa na tinuring kong tunay kong kaibigan
Kaya mula noon pag-ibig ay aking nilaro
Dahil tingin ko sa lalaki ay pare-pareho
Utak ang pinairal ko kaya natuto akong manloko
Wala akong paki makasakit man ako
Kaya sumunod na ex ko’y dinaan ko sa pustahan
At minsan nga akin lang pinagkakatuwaan
Pag ako’y nagsawa ay basta ko na lang iniiwasan
At pagkatapos nun unti-unti ko ng iniiwanan
Noon ay naranasan ko rin ang mangaliwa
At kung mangatipan ay dala-dalawa
Di alam nung una dir in alam nung pangalawa
At pag nagkabistuhan todo tanggi ang aking ginagawa
May nagsabi pa sa akin kalian daw kaya ako makakarma
Dahil sa ginagawa ko di raw ba ako naaawa
Tinawanan ko lang dahil sa karma di ako naniniwala
Di lang nila alam na sa ginagawa ko di rin ako masaya
Kung sa paningin man ng iba ako ay masayahin
Dahil wala na akong ginawa kundi barkada’y patawanin
Pero kung ako’y inyo pang kikilalanin
Malalaman nyo na ako yung tipo na may pagkasenti rin
After three years muli akong nagseryoso
Sa ikalawang pagkakataon nagmahal ng totoo
Pero bakit kung kailan ako nagbago
Saka naman ako muling ginago’t niloko
Sobrang saya ko pa ng muli akong magmahal
Dahil buong akala ko kami’y magtatagal
Pero ikalawang pagkakataon muli akong nagmahal
Dahil sa aming relasyon ako lang pala ang nagmamahal
Kaya lagi kong tanong sa sarili ko
Kung bakit lagi nalang akong ganito
Maglaro ako at magseryoso ako’y lagging bigo
Kalian ko kaya matatagpuan ang taong katapat ko
FINISH