hehehe what a unique and sort of traumatic experience! akalain mo instead na mapunta ko ng Naga, Nagpunta ako ng Rosales,, yes Rosales, Pangasinan.. last October 8, 2009..
yes, oo, inabutan nga ako ng bagyo.. it is around 6:30PM ng makarating ako ng Siesta(Tarlac, tama ba?) ayun.. then yung sinasakyan kong bus (byaheng dagupan) eh hindi na makaalis.. and sabe nila yung mga malalapit lang daw..(moncada, carmen, etc etc) eh pedeng lumipat sa kabilang bus na byaheng San Carlos.. eh sa kagustuhan kong matapos ang task na binigay saken.. ayun nagtransfer ako without knowing the consequences..
8PM, almost 200 meters away from our current location to SM Rosales na usapan namen eh before 9PM dapat andun ako.. SHOCKS!!! 8:15 - 8:30 di gumagalawa yung Bus namen, and little by little yung tubig baha na hanggang paa lang eh umaabot na ng binti.. awww.. sabe ko patay.. if aabot man ako sa SM, san ako tutuloy? lalangoy ako sa tubig? lalakarin ko na ba?
ooppss.. i forgot to say..may dala akong LinkSys 24port POE Switch at that time..at WALA akong dalang Cellphone(alam ko kasi balikan lang talaga ako kaya nung naalala kong naiwan ko sya di ko na binalikan)..
ayun.. biglang umatras ang Bus.. at nagstay sa Carmen Rosales Terminal.. naman,, ano kayang balak ni mamang driver... wattahhh! magpapahupa pala ng tubig baha.. then tutuloy.. ayun... takte wala pang 10minutes... umaapaw na tubig dun.. tapos nagdecide yung driver na lumipat sa kabilang side..(medjo mataas taas).. ayun.. syet lahat kami tumitingin sa tubig... at tumataas pa nga.. lagot kame........
sa sobrang pagod, di ko namalayan na nakatulog ako ng walang hapunan.. then nagising ako ng midnight..
teka,, baket ganun? parang gumagalaw yung Bus namen? waahhh abot na ng pangalawang hagdan ng bus yung tubig...at pag tumaas pa yun.. yari na...
Umaga... around 6AM.. tunganga at tulog tulog.. anong gagawin namen? teka nakakaramdam na kame ng gutom... ayun helicopter! kaway kaway! relief goods! takte..snob kame.. buti nung mga around 11am eh yung isa sa mga truck na nastranded along highway eh namigay ng MAGIC FLAKES!=) kahit walang panulak..atleast nagkaroon ng konting laman ang aming mga tyan...
teka diba terminal yung pinaghintuan namen?... ay naku..takte.. ano ang tinda? junk foods, at puro inumin..waaahh...
uyy teka ano yung nasa likod namen? baboy? ang laki nun ah..may tumaob pala na truck na baboy dun sa terminal.. ang sabe ay 12 daw yun.. at ang nakasurvive lang...3 lang...tsk..
gutom na talaga kame.. pero ayun oh bumaba na yung tubig.. pero sa SM daw hanggang bewang pa rin... pinaandar ni driver ang bus, kasi mainit na tapos nilinis yung mga sumabit na mga kalat kalat.. then lumipat kame sa kabilang side.. hoping na soon makakaalis na kame.. awww dun namen nalaman...
sa left side namen.. ang SM na hanggang bewang ang baha.. and without knowing na kung makakadaan ang bus dun dahil sa mga nakaharang.. sa right side naman eh pila ng mga bus at truck na tumirik..
teka teka? paano ito? sabi ko sa sarili ko maghohotel na lang muna ko if ever na makadaan ng rosales at kung saan ang safe dun na lang..
pero di pa dun nagtatapos.. magpapakawala na naman daw ng tubig sa dam, around 6pm at magpapatuloy na magpakawala kung di magiging normal dun.. PATAYYYY.. waaaahhhhh. paano kaya..
shortcut na lang.. heheh 5pm na.. at sa wakas may nakita na kameng mga sundalo na nagsabe na pede ng madaaanan yung pabalik ng tarlac.. nagdecide yung driver namen na bumalik.. ayun nagtuloy tuloy na.. at nakauwe ako ng bahay ng 1AM kanina =)
BTW, salamat sa Sarah JO's Store na nagtinda at nakakaen ako ng V-Cut at C2 para sa tanghalian ko.hahaha...
buti na lang ligtas kame.. let's pray for the people who lost their lives in this tragedy at sa mga nawalang ng tirahan.. this is my very first experience na mastranded..
salamat sa Five Star Bus 794, Sa driver at konduktor na di kame pinabayaan.. salamat kay kuya michael at sa kasama ni kuya danilo sa pagpapahiram ng phone nya para mareach ko ang office at parents ko.. salamat din kay kuya na tagaValenzuela rin para sa pag-insert ng battery ko na nagpatext lang at namatay din agad hehehe...salamat kay ate Madel(im not sure kung name nya talaga yun), sa pag-alok ng pagkaen na kahit di ko tinanggap

pero cute sya ah.. ehehhe Thanks sa isang experience na naging masaya kahit papaano dahil sa inyo..=) di ko kayo makakalimutan =)
at ngayon..dito na ulet ako.!!!! kulitan na!=) ay teka magbabawe pala ko ng gagawin ehehhe=)
yahooO!!!!!