Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
May 24, 2012, 07:52:11 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
 
   Home   Help Search Login Register  
Pages: [1] 2   Go Down
  Print  
Author Topic: 4Girls : Bakit di madaldal ang mga lalaki?  (Read 1628 times)
baet
Sr. Member
*****

Charisma Level 10
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 424


last i love you


WWW
« on: July 10, 2009, 04:38:35 PM »


Kung nakatulong ito sa pagiintindi sa mga lalaki, e di syempre..
alam mo na ang dapat gawin... Syempre, i-internalize natin, i-apply na natin as a lesson.. That's what i mean.

Eto na po


----------


-- isa sa mga malaking challenge sa mga lalaki ang i-interpret ang salita ng mga babae nang tama kapag ang mga babae ay nagsasalita tungkol sa kanilang nararamdaman.
Ang pinakamalaking challenge para sa mga babae ay yung pag-suporta at pagintindi sa mga lalaki when he talks less than she does or talagang hindi na siya nagsasalita.

--Ang mga babae ay madalas mamisinterpret ang katahimikan ng mga lalaki.
We tend to get anxious kapag ang ating mga partner ay tumigil sa pakiKipagcommunicate for no apparent reason.
Minsan iniisip natin na hindi sila interesado sa atin o dun sa sinasabi natin, kaya naman gumagawa tayo ng effort para mapansin or makuha natin ang atensyon nila.
Kapag nagpakita sila ng minimal reaction - o kaya talagang di tayo pinansin, nasasaktan tayo at feeling natin eh rejected na tayo.


--Merong explanasyon tungkol dito sa Communication Gap.
Ang mga babae at lalaki ay magkaiba ng pag-iisip at ang pagproseso ng informasyon. Ang mga babae ay nagsasabi ng kanilang nararamdaman at nagiisip nang malaya. at once na nasa mood na tayo, salita na tayo ng salita. Chika ng chika. This style of communication enables us to feel contented and fulfilled.

--Madalas nating isipin, 'Bakit ba ang mga lalaki eh hindi gumaya satin'? 'Bakit di sila mag-open'up agad'?, 'Hanggang kelan nila itatago ang kanilang nararamdaman'? Tulad ng sinabi ko, ang mga lalaki ay iba-iba.
Bago sila magsalita, ini-internalize nila at nag-iisip sila ng tahimik tungkol sa kung ano ang kanilang sasabihin. Ang mga utak nila ay naghahanap ng pinakatama at pinakakapaki-pakinabang na bagAy na irereply or irerespond nila sa statement na narinig nila.


--Yung proseso ng pag-iisip nila ay pwedeng umabot ng minuto... sa maniwala ka't sa hindi, pwede itong umabot ng oras sa pag-iisip. Kapag nakapagdesisyon sila na wala pa silang impormasyon na maibabahagi, hindi sila nagsasalita maski isang salita.

--Minsan, ang katahimikan ng mga lalaki at ang kahinaan ng mga babae na intindihin yun ay nakakaapekto sa isang relasyon.
Kailangan nating maintindihan na kapag ang lalaki ay hindi nagsasalita, hindi ibig sabihin nito na hindi siya nagpa-function.


--pwede kasing hindi pa niya alam ang kanyang sasabihin o kaya masyado siyang pagod para makisali o ma-involved sa isang mahabang talakayan.

--Ang pagiging tahimik eh hindi nangangahulugan na pagiging inconsidereate at insensitive. Hindi rin ibig sabihin nito na siya ay galit dahil sa maling ginawa ng kanyang partner. Ang katahimikan ay importante sa isang lalaki. Ito yung paraan niya para makapag-adjust sa mga particular circumstances, so dapat bigyan mo din siya ng space.

--Eventually, magiging ready rin siya na i-express the loving and caring side of himself.


Like sa amin...
after ng oras ng work namin, magtetext na ako tapos magkukwento ng mahaba..
tapos ang sasabihin lang niya ay 'hehe ahh ok'
Dati, nagtatampo talaga ako o kaya tatanungin ko kung galit ba siya... pero habang tumatagal, naiisip ko na paranoid lang siguro ako dahil wala naman palang dahilan para magkaganun.



So sana, kung ganito din ang sitwasyon nyo, mga girls sa inyong mga partner.. hanggat alam mong wala kang ginagawang masama... eh hayaan mo muna ang mga guys kung gusto nilang matahimik..

Later on, hahanap-hanapin ka din niyan kapag ready na siyang makipag-usap saka mo i-chismis kung sino yung kalaguyo nung kapit-bahay nyo wahahahahah peace! You know what i mean diba?

At yung mga guys naman... wag ka naman umabuso hahah
kapag may sasabihin ka, pwedeng manahimik... magrelax... isipin ang mga sasabihin.. saka mo ipagsabi sa kanila.

Lagi lang kasi natin tandaan na importante din kasi ang Communication.

Ikaw, may kwento ka ba nito?
[/color]
Logged

http://www.unlimitedzone.org?referrerid=868

CLICK ME! Masaya din dito Smiley
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« on: July 10, 2009, 04:38:35 PM »

 Logged
mrs bree hodge
Hero Member
******

Charisma Level 17
Offline Offline

Posts: 1248



« Reply #1 on: July 10, 2009, 04:59:16 PM »


hehehe..madaldal hubby ko eh, ako ang quiet kasi gusto ko lang mag-chat or magbasa, nood ng movies, gumala sa malayo..pag galit ako mas quiet pa ako, si hubby nagger! pero pag sobrang galit ko na talaga sinasapak ko na sya!
Logged

marami ang namamatay sa maling akala, oh yeah!
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« Reply #1 on: July 10, 2009, 04:59:16 PM »

 Logged
♥ tOXiC ♥
Moderator
PLF Senior
*****

Charisma Level 64
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 3993


love me or hate me ...


« Reply #2 on: July 11, 2009, 01:35:52 PM »


yung recent ex ko madaldal din Tongue

mdaldal pa sakin... Roll Eyes

nung nagbreak kami sha pa madaming sinabi kesa ako Roll Eyes

samantalang sha naman me kasalanan Roll Eyes
Logged

pinili kong ngumiti dahil mahirap ipaliwanag kung bakit ako malungkot Sad

♥ I am confident not because I love Him but because He loves me. ♥
p@nth♣r@
Moderator
PLF Senior
*****

Charisma Level 12
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 3161


.....


« Reply #3 on: July 11, 2009, 01:37:33 PM »


Sa tingin ko naman kaya hindi madaldal ang mga lalake kasi LALAKE sila, wala sa ugali ng lalake ang pagkamadaldal. Madali silang umitindi at ayaw nilang paulit-ulit na sinasabi sa kanila.Kumusta naman ang pagkatao nila kung makikita natin sila na nagchichismisan, maliban nalang kung bakla ha...

Si ex ko hindi madaldal, mahiyain kasi pero magaling siyang makipag-usap sa mga tao ng hindi na inulit-ulit pa, at lahat ng nakasalamuha niya gusto siya. Hayst!!! Pag magkasama kami feeling ko ayaw niya ako kausap, tumatawa at ngumingiti lang siya sa lahat ng mga pinaggagawa ko.Hinahalikan na lang niya ako pag nakukulitan siya sa akin. Hehehe  Cool

Si first love ko naman ung married man ko, ang daldal sa text, every time na magtext siya sa akin pag open ko ng message niya ang daming laman,pero may sense, grabeh lagi tuloy ako speechless hahaha...Pag kaharap ko naman siya, hayst! ang mahal ng boses niya. Siguro kaya siya ganun dahil hindi kami masyadong close sa personal at hindi kami masyadong nakapag-usap. Kaya din pag magtext siya at lagi puno dahil para daw walang buhay ang text pag " ah, okey" lang....

 Cool
Logged

.....
pepper
Hero Member
******

Charisma Level -1
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 502


Big girls don't cry!


« Reply #4 on: July 03, 2010, 11:35:11 AM »


Labs ko di madaldal. May pagka mysterious.

But when he talks about something nmn, may substance.
Logged

every wound leaves a scar and every scar reveals a story that says


I SURVIVED!
simplegirl
Full Member
****

Charisma Level 3
Offline Offline

Posts: 170


"Signing Off"


« Reply #5 on: July 10, 2010, 01:41:32 PM »


hindi lahat.madaldal din ung iba lalo na kung lasing...LOLz
Logged
pepper
Hero Member
******

Charisma Level -1
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 502


Big girls don't cry!


« Reply #6 on: July 10, 2010, 01:47:27 PM »


Ang lalaking madaldal ay baka hindi tunay n lalaki!
Logged

every wound leaves a scar and every scar reveals a story that says


I SURVIVED!
tempgirl
Moderator
PLF Senior
*****

Charisma Level 395
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 15479

PLF's Resident Queen B/kontrabindang BIDA. :p


« Reply #7 on: July 10, 2010, 01:49:33 PM »


nako kala niyo lang yun madaldal din yung iba actually karamihan syempre pag sila sila lang magkakasama mas grabe pa magusap yang mga lalaki noh.
Logged

katieful
Sr. Member
*****

Charisma Level 3
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 267


kawai


« Reply #8 on: July 11, 2010, 03:45:03 PM »


parang babae din, ang tao may kanya kanyang naturalesa, may ,mga babaeng tahimik ah, bibilhin mu din ang boses... vice versa... mas normal nga lang na lalake ang tahimik but anyway ok nman yun s relasyon para balance wag lang naman subrang tahimik na abot sa point na nawawala na ang open commnunication..
Logged

...i dress to kill but tastefully...
icy_cherish02
Full Member
****

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 130


« Reply #9 on: July 12, 2010, 04:41:59 PM »


ang mga lalaki, ang tawag nila pag nagchichismisan sila o nagdadaldalan ay: inuman.
Logged
Being Hated
Hero Member
******

Charisma Level -57
Offline Offline

Posts: 766

Men Don't Have Virginity That Is Why I Hate Them.


« Reply #10 on: July 19, 2010, 06:36:25 PM »


Ang alam ko ay opposite attract although hindi sa lahat ng araw, panahon at oras.  Depen-depende din kase sa personality at character ng mga tao e.  Ako kase, kapag hindi ako marunong mangseryoso, lalo kung ayaw ko, sobra akong tahimik.  Sobra akong tahimik.  Oo na lang ako ng oo kapag sobrang ubos na ang aking pasensiya at hindi ako kahit kailan man nagdadaldal.  Siya naman, daldal siya ng daldal, wala naman siyang ipinagdadaldalan kungdi tungkol sa mga bakla, tungkol sa mga bading, tungkol sa mga bifemme...  kamusta naman yun noh?  Parang sobrang happy-to-death pa siya nang ikinukwento-kwento pa niya yun.

Kabaligtaran lang siguro kami.  Ang "lalake" na yun ay madaldal na wala naman siyang ipinagdadaldal kungdi ang mga "tagilid ng mga lalake" at ako naman ay nananahimik, pero deep inside nagkikimkim ako para maging "understanding" naman sa kanya dahil kapag naging "madaldal" pa ako sa kanya at kung ano ang gusto kong eshare ng aking nararamdaman sa kanya, hindi na siya mag-open sa akin.  Iba na ang e-oopen niya sa akin.   Ganito ang e-oopen niya sa akin, "...kailangan ko ng "P3,000.00 pesos huh?"   What the---  grrr.

Parehas lang naman siguro ang lalake at babae.  Meron ding babaeng tahimik.  Meron ding lalakeng madaldal.
Logged

Kapag masakit ang puso.Tanggapin mo siya ng buong-buo.Kapag tinanggap mo siya ng buong-buo.Hinding-hindi na ang utak mo magugulo.Kaya hindi na magugulo ang utak mo.Manhid na ang puso mo.At kung manhid na ang puso mo. Magkakaruon ka na ng kapayapaan sa buhay mo.Ang problema nga lang wala ka ng puso.
Being Hated
Hero Member
******

Charisma Level -57
Offline Offline

Posts: 766

Men Don't Have Virginity That Is Why I Hate Them.


« Reply #11 on: July 19, 2010, 06:40:23 PM »


nako kala niyo lang yun madaldal din yung iba actually karamihan syempre pag sila sila lang magkakasama mas grabe pa magusap yang mga lalaki noh.


Ah.  Totoong-totoo yun.  Nagulat nga ako dahil...  ano ba yun?  Meron at meron nakapagsabi daw na mas matinding magtsismisan ang mga lalake.  Mas grabe daw...  madaldal ang mga lalake.  Although, meron nga talaga.  Promise.  Ayun.  Ang nagsabi sa amin yung kakilala ko kaya huwag na huwag kayo magbubulgar ng mga sekreto sa mga lalake, baka ipagkalat yun.  Sure dapat na mapagkakatiwalaan... hahaha.

Tatahimik-tahimik sila biglang...  "pare, alam mo ba si ganun..."  hahaha.  Wala lang.
Logged

Kapag masakit ang puso.Tanggapin mo siya ng buong-buo.Kapag tinanggap mo siya ng buong-buo.Hinding-hindi na ang utak mo magugulo.Kaya hindi na magugulo ang utak mo.Manhid na ang puso mo.At kung manhid na ang puso mo. Magkakaruon ka na ng kapayapaan sa buhay mo.Ang problema nga lang wala ka ng puso.
tempgirl
Moderator
PLF Senior
*****

Charisma Level 395
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 15479

PLF's Resident Queen B/kontrabindang BIDA. :p


« Reply #12 on: July 19, 2010, 06:44:20 PM »


^i know this because i've more boy space friends than girl space friends noh. hahaha at pag nagusap na yang mga lalaking yan nako mga brutal talaga. PERO UULITIN KO APPLICABLE TOH SA MGA KABARKADA AT KAKILALA KO. so yung mga lalaking di ko kilala ewan ko sa inyo kung madaldal kayo.
Logged

Being Hated
Hero Member
******

Charisma Level -57
Offline Offline

Posts: 766

Men Don't Have Virginity That Is Why I Hate Them.


« Reply #13 on: July 19, 2010, 07:14:28 PM »


Ako naman ay iisa lang naman ang lalakeng naka-encounter ko nuon kaya alam na alam ko din.  Kaya pala siya "nananahimik mode" ay meron pala siyang "million words" na ipinagkukwentuhan sa best of friend kong lalake nuon...  kaya pala tatahimik-tahimik na leche, kapag kausap ko siya sa phone ay meron pala siyang kung anu-ano ang ipinakukwento sa best of friend kong lalake na nakakainis...  hay, naku.  That time...  ayaw ko na kausapin, magtext at makadikit uli.  Baka kung anu-ano na naman ang echismiss niya sa akin, wahahaha...
Logged

Kapag masakit ang puso.Tanggapin mo siya ng buong-buo.Kapag tinanggap mo siya ng buong-buo.Hinding-hindi na ang utak mo magugulo.Kaya hindi na magugulo ang utak mo.Manhid na ang puso mo.At kung manhid na ang puso mo. Magkakaruon ka na ng kapayapaan sa buhay mo.Ang problema nga lang wala ka ng puso.
juil_juil
Hero Member
******

Charisma Level 21
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1109



« Reply #14 on: July 31, 2010, 07:04:15 PM »


haha, may mga guys na tahimik talaga. ewan ko kung bakit. di rin namin alam. kasi kadalasan, puro kakaiba lang lalabas sa bibig namin.
 but try observing us with our friends, hindi lang foul words ang lalabas. hahaha. ung tipong magtititigan lang kami, alam na namin iniisip nung isa't isa. hahaha

 and, oh, yeeah, mejo napansin ko, bakit halos karamihan samin, ang tipid mgtext? may mga girls din nman na ganun, pero mas madami talaga ung guys na one word,one reply, bakit?
 ako pag may bagong nagtetext sakin, inaakalang girl ako, saklap nga e., hahaha, dahil siguro naglalagay ako ng n____n saka ng waii ng gyaaa at kung ano ano pa, bakit, ano ba, cute nga ung n______n.
 o diba? gusto nyo ulitin ko pa e, n___n,
 diba? ang cutecutecute nya, hahahaha
Logged
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
   

 Logged
Pages: [1] 2   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Privacy Policy: Privacy Policy Email: pinoyloveforum@yahoo.com

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.15 | SMF © 2011, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!