Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
May 23, 2012, 08:08:38 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
 
   Home   Help Search Login Register  
Pages: [1] 2 3 ... 5   Go Down
  Print  
Author Topic: nagtataka ka ba kung bkit single ka pa??  (Read 4560 times)
bletze
PLF Junior
*****

Charisma Level 40
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 2926



« on: May 31, 2009, 11:10:36 PM »


eto po ay nabasa ko sa isang BLOG ni apokalipsis
nais ko lng po ishare..
ADMIN paki move nlng kung ndi appropriate ung pinaglagyan ko,
pro sa tingin ko tama nmn..  Grin


    * SINGLE: Minsan ayos lang maging SINGLE kase free na free ka gawin kung ano ang gusto mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta pero kung minsan,. lalo na’t malamig ang hangin o kya maganda ung view, magwiwish ka na sana may yumayakap sa’yo, hahalikan ka sa noo at tititignan ka ng parang ikaw na ata ang pinakamagandang babae sa buong mundo.


*kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa tayo. Gaano katagal na ba kayo walang nagiging boyfriend/girlfriend? tingnan natin..

1) MASYADONG INDEPENDENT - baka naman masyado mo napoproject na kaya mongmabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun na lang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.

2) MATAAS ANG STANDARDS- siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala siya madalas maligo, mahiyain mag-toothbrushkaya naman sobrang bad breath niya sa umaga, puro barya ang mga hita at binti o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo, may nakausli na “pang labing-isang” daliri sa kamay at NAKAPANGINGILABOT NA BALAT dahil madami siyang AN-AN SA kanyang LIKOD NA PARA BANG MAPA NG CEBU… oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboboyfriend at maggirlfriend ngaun puro friends na lang.

3) UBOD KA NG KASUNGITAN - maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama. (^^,)

4) MASAMA ANG UGALI - kung papipiliin ako kung sa masungit o sa masama ang ugali… dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng ‘peek-a-boo’BAKA ngitian ka na. ibang istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait, pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo magbago. magdasal ka kay lord ng mataimtim huh?? *hahahaha*

5) NAGKUKULONG SA BAHAY - walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay. ok nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka.. pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.

6) MUKHA KANG LOSYANG - ito ang kadalasang krimen ng mga single. Hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI !!! Dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula ka na mag-ayos at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.

7)MASYADONG MAGALING - medyo sensitive itong topic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila. hindi na natin ito problema dahil malamang insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din nila sa iyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na i-compromise mo ang talents mo, ano bang magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan na may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong ma-intimidate.

Cool SOBRANG BUSY - alam mo ba ung kantang ‘Narda’? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta na lang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpa-pluck ng kilay mo wala kang time.

9) DALA ANG BIGAT NG KAHAPON - may kasabihan nga, “how can u look forward when u keep looking back?”walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end, lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa! tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman? (^^,)

10) MASYADONG-MASYADO!! - masyadong maganda, masyadong matalino, masyadong talented at masyadong mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung HUMBLE KA LANG wag mayabang, at imbis na maging hambog, share na lang the blessing. hindi ka lang maganda / matalino / talented / mayaman / mabait pa!! im sure lahat mahuhumaling sayo.

11) IMBORNAL ANG BUNGANGA MO: naku kalimitang problema ito ng mga TAKLESANG TAO at ng mga masyado nang confident sa sarili nila. Maganda ka nga, mayaman, mabait naman, sweet naman, maganda naman pumorma, Pero pag nagsalita daig pa ung barker ng mga pedicab sa CUBAO eh! Ang lakas mong magmura!! Pinaglihi ka ba sa Nagmumurang Kamatis? Mga words mo pa ang lulupit e… memorize mo na lahat ng mga bastos na salitang Pilipino at mga murang pinoy. Shempre palengkera dating mo nyan dba? Naku lalo pa kung mapanira ka, lalong wag! Matatakot lahat makipag-friends sayo, kahit babae!! Hahaha! Bawas mura kapatid! Instead of saying: Bwaka ng Ina, P*mother beyatch, P*king Ina!! Say: flowers, candies, rainbows, sheeps, clouds, butterflies and. . .

PUT A LITTLE MORE!! O dba? bumabango na “bibig” nya, yeah! di na “bunganga”.

MINSAN NAMAN SA MGA BABAE:

12)  TOO MANY BOYS: Minsan nai-intimidate din ang mga guys pag masyado maraming boys ang nakabakod sa girl. Wala ka ngang boyfriend, pero lagi mo naman prino-project na ang daming lumalandi sayo (na pawang mga superficial lang naman at mukhang walang potential na magbigay ng TRUE LOVE sayo). Pag ganyan palagi ang aura at drama mo, most likely, uurong yung mga boys na may HONEST INTENTIONS sayo at kaya kang mahalin ng todo, kasi natatakot sila na baka ikaw ang di kayang magmahal ng totoo. Alam kasi ng mga boys yan… na kahit kayo na (nakapili ka na ng BF mo), di pa din mawawala ang mga “boys” na nakapaligid sayo…

13) ONE OF THE BOYS: Ayan, isa pang problema ng mga gurls... kadalasan, dahil sa sobra namang close sa mga boys, nagmumukha na silang one of the boys, na kung saan sayo shi-ni-share ng mga boys ang kilig at iyak moments nila with other gurls. Ouch! Masakit yun, lalo na pag type mo yung friend mo na guy. Ingat-ingat mahirap kasi pag masyado kang close sa mga boys kasi dumadating ang point na ang tingin nila sayo… MAS MASARAP KANG KAIBIGAN… aray!!! isa pa, parang lalaki na din ang tingin nila sayo… mapapansin mo yan, kapag nag-skirt or nag-spaghetti strap ka, tapos inaasar ka na ng mga friend mo na boys for being “gurl na gurl”. kasi ang boys, pag nakakita ng gurl in a sexy dress (tumatahimik yan, at may parang kumukulo sa loob nila)… so pag tinawanan ka, naku, sign na un…

14) STRICT ANG PARENTS: uhmmm… may two words kami dyan: GOOD LUCK!

at eto ang pinakamatindi sa lahat:

15) WALA SA GUHIT NG PALAD MO ANG MAGKA-BOYFRIEND OR GIRLFRIEND!! - shiyet ang saklap naman nito kung ganun nga!! hindi porke hindi ka na magkakaroon ng kasintahan ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano sayo si GOD kaya gusto niya na wala kang BOYFRIEND OR GIRLFRIEND siguro kaya wala kang kasintahan dahil kailangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, (EH BAKIT PAMANGKIN PA???! HAHAHA!!) baka kailangan ang full time and support mo sa organization mo..maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari. kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na, gawin na lang ang best para mag-stay siya sa buhay mo at nang hindi ka na nagtataka pa kung bakit SINGLE ka.  see what i’m sayin??

tignan nyo nlng karugtong d2..
http://apokalipsis.blog.friendster.com/2008/06/nagtataka-ka-ba-kung-bakit-single-ka-pa/
Logged

I love the DEAD END sign. I think they are kind. They at least have the decency to let me know I’m going nowhere. - nabasa ko sa T-Shirt ni TADO

How can i be your world when you already able to exist and survive without knowing my existence?
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« on: May 31, 2009, 11:10:36 PM »

 Logged
chezz_nut
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 9



« Reply #1 on: June 01, 2009, 12:52:33 AM »


MATAAS ANG STANDARDS he he
Logged
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
« Reply #1 on: June 01, 2009, 12:52:33 AM »

 Logged
bucknoy
Hero Member
******

Charisma Level 51
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 761

Love Of My Life. ...


« Reply #2 on: June 03, 2009, 01:35:59 PM »


di pa kasi ako ready
Logged

We were given: Two hands to hold. Two legs to walk. Two eyes to see. Two ears to listen. But why only one heart? Because the other was given to someone else. For us to find.

i love you -=15=-
♥ eckaii ♥
PLF Junior
*****

Charisma Level 93
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 1895


[ e.c.k.a ]


« Reply #3 on: June 03, 2009, 05:36:32 PM »


 pakset ha?.. nsapul ako sa iba!! grabe.. wahaha 9 m0nths plng nmn ak0ng single wee..amft!! d p nmn ako napepressure ,. hehehe Cheesy
Logged

(¯`·._.• umarte sa tamang ganda. Wink (¯`·._.•
MiGz
Jr. Member
***

Charisma Level -2
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 74


frustrated engineer..,


« Reply #4 on: June 10, 2009, 10:02:51 AM »


hahahah..,

oo tama ung mga dahilan na yan..,

madami dyan katangian ko..,

hahahah
Logged

without sufferings, there would be no passion..,
p@nth♣r@
Moderator
PLF Senior
*****

Charisma Level 12
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 3161


.....


« Reply #5 on: June 10, 2009, 10:50:58 AM »


Bwahahaha...tinamaan ako dun sa number 1 ah...kaya pala. Now I know!!! hehehe Cool
Logged

.....
bayanteldsl
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 9



« Reply #6 on: June 10, 2009, 10:53:26 AM »


number 7 yata ako hehe.
Logged
chuchez
Hero Member
******

Charisma Level -11
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 548



« Reply #7 on: June 11, 2009, 08:24:25 PM »


outch sapul n sapul s akin ung #3,5,7 & 10. Dmi nuh kya pla single p q gang nagun   Roll Eyes Roll Eyes Roll Eyes
Logged
bletze
PLF Junior
*****

Charisma Level 40
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 2926



« Reply #8 on: June 20, 2009, 01:34:43 AM »


ako din sapul na sapul..

up natin pra my makabasa pa.. hehe..
Logged

I love the DEAD END sign. I think they are kind. They at least have the decency to let me know I’m going nowhere. - nabasa ko sa T-Shirt ni TADO

How can i be your world when you already able to exist and survive without knowing my existence?
marvelous_23
Newbie
*

Charisma Level 0
Offline Offline

Posts: 5


« Reply #9 on: June 20, 2009, 01:14:57 PM »


awwwwwwww........tinamaan ako hah.nandon lahat kaya cguro until now WALA pa rin.
Logged
makino
Full Member
****

Charisma Level 2
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 126


ai duh!


« Reply #10 on: June 21, 2009, 10:04:16 PM »


woot 2 years na ako singlee. i admit im happy but lacking.. but enewie. au ko pini pressure sarili ko.. this time i want LOVE will find me.. kahit gaano katagal.. maghihintay ako. charot.!
Logged

Don't get into a relationship if u will regret or wont commit unless finish the present to get into another one.
baet
Sr. Member
*****

Charisma Level 10
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 424


last i love you


WWW
« Reply #11 on: June 25, 2009, 03:41:03 PM »


Hindi pero alam ko na may problema talaga sa akin ^^
Logged

http://www.unlimitedzone.org?referrerid=868

CLICK ME! Masaya din dito Smiley
rlyn29
Jr. Member
***

Charisma Level -2
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 66



« Reply #12 on: July 01, 2009, 09:55:42 AM »


mataas ang standard.....
at every relationship ako lagi ang may problema...^^ Cheesy
Logged

:-) Expect nothing in life and you'll never be disappointed."



http://cloudy25_cutie@yahoo.com
rlyn29
Jr. Member
***

Charisma Level -2
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 66



« Reply #13 on: July 01, 2009, 10:31:23 AM »


add ko lang... yung reason bakit until now single pa...

Bakit  "SINGLE" Ang status ko at status mo

kaya heto ako at sasabihin ko sa inyo ang ilang rason kung bakit..

kesa kinukulit nyo ako kung bakit single ako at kung bakit d nyo rin maubos isipin bakit

SINGLE  pa kayo !



*  PERFECTIONIST / MAPILI

Yes, isang taong perpeksiyonista. yung tipong dapat ganito ang magiging kapartner ko.

pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad.

o kaya ang daming ayaw. ayaw sa mabait boring daw, gusto bad boy / pilya pero kapag

pinaiyak ka tatanungin ka bakit ang sama mo bakit mo nagawa yun!

adik ka ba?! ayaw sa cute, ayaw sa cute, ayaw din nman sa panget. meron dyan gusto mo nman

ung gusto halos magtambling ka pero deadma pa rin yang stunts mo sa kanya! pasaway ka rin e!

ano ba talaga kuya?



* BUSY - BUSYHAN

Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante ka o

kaya nman sa computer at files kung office staff ka. yung tipong aalis ng bahay ng alas

6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi sabay tulog na. kapag

sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain ng niluluto ni mama at sa linggo nman sisimba at

maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes. psssssssssst.... ka muna and

pause for a while.



* EX to the nth POWER

oi aminin!!! LOVE parin si EX kahit 1 - 2 yrs na ang nakakalipas.... may ganito nman

yung tipong ilang taon ang nakakalipas, hindi parin makalimutan si EX.

yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa

malungkot man at sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito,

kelangan nyong magpaalam sa isa't isa. YES, after ay year sasabihin natin, im over him / her

na, pero pag-usapan natin ang LOVE at ang nangyari sa ating relastionship from the past,

TADANNNNNNNNNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad ang naalaala mo. at habang

nagkukuwento ka, ouch kirot, o kaya may ngiti at may bumabagabag sa ating kalooban..

ano kaya yun? AMININ mo na kasi... MAHAL mo pa si EX....

isa lang ang masasabi ko, well mahirap  sya kalimutan alam ko yan... pero open your heart

ang makipag date ka, lumabas ka, at try to entertain someone, wag mo ikumpara si ex, sa iba

at give urself KITKAT, take a break.



*WRONG TIME

eto yung mga tao na sinasabi, "hindi pa ako ready e bata pa kasi ako " o kaya naman

" hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki ." yes meron pong

ganyan. yung feeling nila may tamang panahon para sa love . awwwwwwwwwww

aba kelan yun? pag ugod-ugod ka na at yung time mo e bitin na? o naka naman pag pang

out ka na? oist, sugod lang ng sugod...



* BORN  - TO - BE - ONE  ( AUSTHESTIC)

eto yung nasa palad na ang pagiging single daw... walang reason... basta lang nabuhay

sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa. kesyo

magmamadre o magpapari na lang. asa kang tatanggapin ka noh!
Logged

:-) Expect nothing in life and you'll never be disappointed."



http://cloudy25_cutie@yahoo.com
baet
Sr. Member
*****

Charisma Level 10
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 424


last i love you


WWW
« Reply #14 on: July 01, 2009, 06:01:24 PM »


^kung ganyan ako kaganda bakit di ko tataasan ang Standards ko? wahahaha
Logged

http://www.unlimitedzone.org?referrerid=868

CLICK ME! Masaya din dito Smiley
Philippine Love Forum - Love Quotes, Love Quotes Tagalog, Pick Up Lines Tagalog, Love Problems, Love Advice, Love Stories, Courtship and Dating Guides
   

 Logged
Pages: [1] 2 3 ... 5   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Privacy Policy: Privacy Policy Email: pinoyloveforum@yahoo.com

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.15 | SMF © 2011, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!